Mga iligal na gawain ng ating mga kababayan, tatalakayin sa 'Investigative Documentaries'
Iligal
November 19, 2015

Kadalasan, sinisisi natin ang mga taong gobyerno dahil sa katiwalian. Ang malungkot, marami rin sa atin ang nabubuhay na hindi patas. Tulad ng mga magnanakaw ng kuryente. Ang ‘jumper” o iligal na koneksyon ng kuryente ay matagal ng problema ng MERALCO. Kahit masigasig ang kanilang pagbabantay ay marami pa rin ang nakalulusot. Ang masakit, pinapasan ng mga tapat na kunsomer ang kitang nawawala sa mga kumpanyang nagdi-distribute ng kuryente tulad ng Meralco.

Maging ang linya ng tubig ay ninanakaw din. Sa ilalim ng Republic Act 8041 o ang National Water Crisis Act, ipinagbabawal ang pagnanakaw ng tubig sa pamamagitan ng mga iligal na kuneksyon. Ang sinumang lalabag ay maaaring makulong ng anim na buwan hanggang dalawang taon at mapatawan ng multa. Pero kahit na bawal ay marami pa rin ang walang takot.

Talamak rin ang pagnanakaw gamit ang makabagong teknolohiya. Wala na yatang hindi kayang kopyahin ang mga namimirata. Mula sa pelikula, kanta at software, lahat posibleng magaya at maibenta kahit walang permiso
Mula Enero hanggang Nobyembre 2014, mahigit 2 milyong optical discs ang nasamsam ng Optical Media Board (OMB) na nagkakahalaga ng halos 800 milyong piso.
Alamin kung may solusyon ba sa lumalalang problema ng pagnanakaw. Tumutok sa Investigative Documentaries ngayong Huwebes, alas otso ng gabi kasama ang 2013 Metrobank Journalist of the Year na si Malou Mangahas sa GMA News TV Channel 11!