ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV

Mga nabiktima ng pekeng serbisyo, kukumustahin ng 'Investigative Documentaries'


Investigative Documentaries
Updated
December 31, 2015

Pangarap ni Ellowe, 23 ang maging artista. Palagi siyang sumasali sa mga audition at talent search sa pelikula man at telebisyon.

Mukha ang kanyang puhunan para magkaroon ng maraming raket. Ito ang dahilan kung bakit ginusto niya na ipaayos ang kanyang ilong at baba para mas maging kaaya-aya ang kanyang hitsura sa marami. Ipinagkatiwala niya ang pagreretoke sa isang kakilala ng kaibigan. Nagkaroon siya ng mas matangos na ilong at cleft chin.

Ang masaklap, pagkatapos ng dalawang taon. Unti-unting nasira ang mukha ni Ellowe. Hindi pala totoong surgeon ang nagretoke sa kanya. Naimpeksiyon ang kayang ilong at baba.

Si “Shine” naman ay madalas mag-uwi ng korona sa mga beauty contest. Noong 2009, may isang nagpakilalang doktor na nag-alok sa kanya ng turok at gamot para raw umumbok ang kaniyang pisngi.

Sa halagang P3,000 kada turok, lalo raw siyang gaganda sa gamot na iyon. Unti-unti raw na umumbok ang mga pisngi ni Shine pero dahil sa impeksyon pala dahil sa pekeng gamut na ginamit sa kanya.

Kumustahin natin ang sitwasyon nina Ellowe at Shine at iba pang indibidwal na itinampok ng programa.

Huwag kaligtaang tumutok sa Investigative  Documentaries ngayong bisperas ng Bagong Taon, alas otso ng gabi kasama ang 2013 Metrobank Journalist of the Year na si Malou Mangahas sa GMA News TV Channel 11! 

Tags: plug