ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV
Investigative Documentaries

Nakatutulong ba ang mga emergency number sa Pilipinas?


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Hotlines
Investigative Documentaries
14 January 2016
 
 
May sunog. May aksidente. O kaya ay may krimen na nagaganap. Alam mo ba kung anong emergency phone number ang tatawagan? 
 
Marami sa mga nakausap ng Investigative Documentaries ang hindi alam kung ano ang numerong dapat tawagan sakaling may emergency.
 
 
Kung sa ibang bansa may Rescue 911, dito sa atin ay Patrol 117 ang pambansang emergency hotline. Halos 4,000 tawag ang natatanggap ng hotline kada buwan. Sunog at medical emergency ang kadalasang inilalapit ng mga tumatawag.
 
Ang Patrol 117 ay nasa ilalim ng pamamahala ng Department of the Interior and Local Government (DILG). Nangutang ang gobyerno sa Austrian bank ng P1.37 billion  para sa Patrol 117.
 
 
Bahagi ng pera ay ipinambili ng Emergency Network Philippines equipment o ENP, ito ang pasilidad na ginagamit ng Patrol 117 para makatanggap ng tawag. Pero ayon sa Commission on Audit o COA noong 2014, hindi nasulit ng Patrol 117 ang binili nitong gamit..
 
Ang ilang ENP na nakaistasyon sa iba’t ibang rehiyon nasisira na raw at ang iba ay hindi na napakikinabangan.
 
Ang problema pa, bawat lokal na pamahalaan ay may sariling hotline numbers, na hindi rin alam ng mas nakararaming nasasakupan nila.
 
Kapag may emergency, ano ang numero mong dapat tawagan? Huwag kaligtaang tumutok sa Investigative  Documentaries  ngayong Huwebes, alas otso ng gabi kasama ang 2013 Metrobank Journalist of the Year na si Malou Mangahas sa GMA News TV Channel 11.
Tags: plug