ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV

Sen. Francis Escudero, unang sasalang sa #BiseSerye ng 'Investigative Documentaries'


Investigative Documentaries
Bise Serye- Sen. Francis 'Chiz' Escudero
28 January 2016 Episode

 

 
Sa unang bahagi ng Bise Serye, tampok namin ang panayam ni Malou Mangahas kay vice presidential candidate Francis Chiz Escudero.

Pinatuloy ni Senator Escudero sa kanyang bahay sa Quezon City ang Investigative Documentaries team. Maging ang kanyang misis na si Heart Evangelista ay pumayag na magbigay ng panayam.

 

Ipaliliwanag ni Sen. Escudero kung bakit kulelat siya sa Senado kung ang usapan ay ang yaman.  Sa statement of assets and liabilities (SALN) ng senador noong 2014, sa net worth na higit P6 million, siya na ang pangalawang pinakamahirap sa kamara.

Sinamahan din namin si Sen. Escudero sa kanyang pagbisita sa Pangasinan nitong buwang ito bilang bahagi ng kanyang pagkampanya. Sinisimulan na kasi niyang suyurin ang mga probinsiya para ipakilala ang sarili sa mga botante.

 
Ang kanyang misis na si Heart naman, ipaliliwanag ang gastos sa kasal nilang mag-asawa.
 

Si Francis Joseph Chiz Escudero na ba ang susunod na pangalawang pangulo ng Pilipinas? Karapat-dapat ba siya sa nag-iisa mong boto? Huwag kaligtaang tumutok sa espesyal na pagtatanghal ng Investigative Documentaries  ngayong Huwebes, alas otso ng gabi kasama ang 2013 Metrobank Journalist of the Year na si Malou Mangahas sa GMA News TV Channel 11!

Tags: plug