ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV
Investigative Documentaries

Sen. Antonio Trillanes IV, susunod na sasalang sa 'Bise Serye'


 

 

Sa ikalawang bahagi ng 'Bise Serye,' tampok ang panayam ni Malou Mangahas kay vice presidential candidate, Sen. Antonio Trillanes .

Ipaliliwanag ni Sen. Trillanes kung bakit kulelat siya sa Senado kung ang usapan ay ang yaman.  Sa statement of assets and liabilities (SALN) ng senador noong 2014, sa net worth na higit P5 million, siya na ang pinakamahirap na senador. Sa mga kumakandidatong bise presidente ay siya rin ang pinakapobre.

 


Ipaliliwanag din ni Trillanes kung bakit milyun-milyon ang inilaan niyang pondo para sa mga consultant. Bukod pa sa mga consultant, pinapasahod daw ni Trillanes ang kanyang kasambahay at driver mula sa pondo ng Senado.

Si Antonio Sonny Trillanes na ba ang susunod na pangalawang pangulo ng Pilipinas? Karapat-dapat ba siya sa nag-iisa mong boto?

 

 

Huwag kaligtaang tumutok sa espesyal na pagtatanghal ng Investigative  Documentaries  ngayong Huwebes, alas otso ng gabi kasama ang 2013 Metrobank Journalist of the Year na si Malou Mangahas sa GMA News TV Channel 11!

Tags: plug