Buhay ni VP-elect Leni Robredo, bubusisiin sa 'Investigative Documentaries'
VP Leni
2 June 2016 Episode
_2016_05_31_19_57_37.jpg)
Charming, demure and reserved. Ganito inilarawan si Leni Gerona sa high school yearbook niya sa Unibersidad de Sta. Isabel sa Naga City noong 1982. Matapos ang 34 taon, ang mahiyaing disisais anyos noon ay magiging bise presidente pala ng bansa.

Galing sa kilalang pamilya sa Bicol si Robredo. Ang kaniyang yumaong ama na si Antonio Gerona, Sr. ay dating huwes sa Bicol Regional Trial Court. Propesora ng English ang nanay niyang si Salvacion.

Sa kauna-unahang pagkakataon ay pumayag na makapanayam sa telebisyon ang nanay ni Leni Robredo para ibahagi ang ilang impomasyon tungkol sa kanyang anak. Magbibigay rin ng pahayag ang mga tao na nakasalamuha niya bago pumasok sa politika.

Manood ng Investigative Documentaries ngayong Huwebes, alas otso ng gabi kasama ang 2013 Metrobank Journalist of the Year na si Malou Mangahas sa GMA News TV Channel 11.