ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV

Buhay ni Incoming President Rodrigo Duterte, bubusisiin sa 'Investigative Documentaries'


Ang Bagong Pangulo
7 June 2016 Episode

Tahimik daw pero pilyo ang batang Rodrigo Duterte. Nagtapos siya ng elementarya sa Sta. Ana Elementary School noong 1956. Nag-aral siya ng high school sa Ateneo De Davao. Dalawang beses siyang napatalsik sa eskwelahan at halos pitong taon daw bago siya nakatapos ng high school.

Noong 1968 nagtapos ng kolehiyo si Duterte. Noong 1972 ay nagtapos siya ng abogasiya sa San Beda College. Pumasa siya sa bar exam sa parehong taon.

Ang pilyong bata noon, siya nang  magiging susunod na Pangulo ng bansa ngayon.

Si president-elect Rodrigo Duterte ay anak ng dating gobernador ng Davao na si Vicente G. Duterte at ng guro at pilantropong si Soledad Roa Duterte.

Matapos ang EDSA people power, itinalaga siyang OIC Vice Mayor ng Davao City at dito na nagsimula ang kanyang buhay sa politika.

Ayon kay Rene Lumawag, photographer na kasa-kasama sa mga lakad ng alkalde ng Davao City, personal na tinutungo ni Duterte ang mga lugar kung saan may problema upang makausap ang mga taong apektado.  Hindi rin daw ito sanay mag-pose para sa kamera.

Ayon naman kay Bonie Adaza, fashion designer sa Davao, karaniwan ay nagpapadala ng tela sa kanya para sa checkered polo ang alkalde. Kapag naging komportable raw ang incoming president sa isang disenyo, hindi ito agad nagpapalit. Si Adaza rin ang nagtatahi ng mga barong at pantalon ni Duterte.

Kilalanin ang bagong pangulo. Manood ng Investigative Documentaries ngayong Huwebes, alas otso ng gabi kasama ang 2013 Metrobank Journalist of the Year na si Malou Mangahas sa GMA News TV Channel 11.

Tags: plug