ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV

Mga estudyante sa Batangas, bumababa ng bundok makapasok lang


 


Alas tres pa lang ng madaling araw ay gising na ang mga bata sa Barangay Latag, Nasugbu Batangas. Tatlong oras kasi silang maglalakad pababa ng bundok para makarating sa pinakamalapit na eskwelahan sa kanilang lugar.

Grade 10 na si Elsa at kasama ang kapatid niyang nasa grade 5 sa pagpasok ng paaralan.

Ganito rin ang sitwasyon ng mahigit 100 estudyante mula sa Brgy. Latag na kasabay nilang bumababa ng bundok. Sabay-sabay silang tumatawid ng ilog at dumadaan sa masukal na bundok.

 


Maputik at mabato, kaya hinuhubad muna nila ang kanilang uniporme at tsinelas sa paglalakad.

 


Isa sa dinadaanan nila ay ang ilog Mayamut-yamot. May itinayo ngang tulay rito  pero nayayamot ang mga residente ditto dahil banta rin ito sa buhay ng mga tumatawid. Nitong Pebrero lang ito ginawa at nitong Abril lang sinimulang gamitin pero sira na ang ilang bahagi nito. Ginastusan ito ng mahigit P100,000 mula sa Internal Revenue Allotment (IRA) ng barangay.

 


Ayon sa dati at bagong alkalde ng Nasugbu, hindi nila alam ang problema dahil wala namang nagsasabi sa kanila tungkol dito.

Bagtasin natin ang daang tinatahak nina Elsa at ng kanyang mga kapitbahay araw- araw sa pagpasok sa paaralan.

Manood ng Investigative Documentaries ngayong Huwebes, alas otso ng gabi kasama ang 2013 Metrobank Journalist of the Year na si Malou Mangahas sa GMA News TV Channel 11.