Mga Pilipino na hindi nagdiriwang ng Pasko, tampok sa Investigative Documentaries
Paniniwala
22 December 2016 Episode

Pinaghahandaan ng marami ang pagsapit ng Pasko pero may mga hindi ito ipinagdiriwang dahil iba ang kanilang paniniwala.
Ang Saksi ni Jehovah ay may 600,000 miyembro sa bansa at mahigit 8 milyon sa buong mundo. Lords memorial ang katumbas ng kanilang Pasko. Dito ay inaalala nila ang kamatayan ni Hesus. Ito ang mahal na araw para sa mga Katoliko.

Ang Seventh-Day Adventist, nagmula sa Amerika noong 1800’s. Sila iyong tinatawag na Sabadista. Tuwing Pasko ay malaya silang makakapili kung makikibahagi o hindi sa pagdiriwang ng mga kaibigan nilang Katoliko.
Thanksgiving ang katumbas ng Pasko para sa kanila.

Ayon sa Philippine Statistics Authority, may mahigit 5 milyong Muslim sa Pilipinas. Ang buwan ng Ramadan o pag-aayuno ang pinaghahandaan ng mga Muslim. Sa pagtatapos nito ay ang Eid’l Fitr na puno ng pagdiriwang, pagpapatawad, at pagbibigay ng tulong sa mahihirap.
Alamin ang banal na pagdiriwang ng mga kapwa natin Pilipino ngayong Huwebes sa Investigative Documentaries, alas otso ng gabi kasama ang 2013 Metrobank Journalist of the Year na si Malou Mangahas sa GMA News TV Channel 11.