National Greening Project ng DENR, susuriin sa Investigative Documentaries
PUNLA
13 JULY 2017 Episode
_2017_07_11_00_08_36.jpg)
Halos bawat pangulo, may kampanya para dagdagan ang mga puno, sa lungsod man o sa bundok.
Sa bisa ng isang executive order, nagkaroon ng National Greening Program (NGP) ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) noong 2011 sa ilalim ng administrasyon ni dating Pangulong Benigno Aquino III. Layunin nitong makapagtanim ng mahigit 1.5 bilyong puno sa buong Pilipinas.

Sa accomplishment report ng NGP, nakapagtanim daw ang DENR ng 1,500 na puno sa tatlong ektaryang lupa sa Barangay Salawag, Dasmarinas Cavite. Ang tanong naman ng lokal na pamahalaan, nasaan ang mga puno? Kung may nadagdag man daw na puno sa kanilang lugar, ito ay kanilang proyekto at pondo.
_2017_07_11_00_07_13.jpg)
Ayon sa Commission on Audit (COA), walang maayos at epektibong sistema sa pagpapatupad ng NGP. May mga nabigyan ng punla ang DENR kahit wala namang lupang pagtataniman.
Ang iba ay nasira pagkatapos mahagip ng road widening project. Namatay naman ang iba dahil hindi naalagaan. May mga puno ring nasa pribadong lupa.
_2017_07_11_00_07_26.jpg)
Kada taon ay lumalaki ang pondong inilalaan sa NGP ng gobyerno. Mula P1.3 billion noong 2011 ay P8 billion na ito noong 2016. Ngayong taon ay nasa halos P7.3 billion na ito.
Nagagamit ba nang tama ang pondo sa ganitong klaseng mga programa? Alamin ngayong Huwebes, alas otso ng gabi.Manood ng Investigative Documentaries kasama ang 2013 Metrobank Journalist of the Year na si Malou Mangahas sa GMA News TV Channel 11.