ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV

Pagkalat ng maling balita, tatalakayin sa Investigative Documentaries


MaliTa
Maling Balita
21 September 2017 Episode

Sigurado ka ba na tama ang balitang binabasa at pinaniniwalaan mo?

Sa panahon ngayon ay uso ang imbentong mga balita at madalas na ito ay makikita sa internet. Bukod kasi sa radyo, telebisyon at diyaryo, sa internet kumukuha ng balita ang mga tao.

Noong 2016 may halos 45 milyong Pilipino ang gumagamit ng internet ayon sa We Are Social, isang social media consultancy firm.

Nitong Hunyo ay naglabas ng pag-aaral ang Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBPC) ukol sa di umano’y 29 na website na nagpapakalat ng maling balita at impormasyon.

Isa sa mga nasa listahan ng CBCP ang Mindanation.com.

Kinuha namin ang panig ang pamunuan nito at itinanggi nila na sila ay nagpapakalat ng fake news. Isa raw silang lehitimong website na nabuo noong 2012.

Sinubukan din namin kung madali bang mapaniwala ang publiko sa isang pekeng balita. Alamin kung ano ang naging resulta ng sarili naming pagsisiyasat.

Huwag maging biktima ng fake news at maling impormasyon. Manood ng Investigative Documentaries ngayong Huwebes, alas otso ng gabi kasama ang 2013 Metrobank Journalist of the Year na si Malou Mangahas sa GMA News TV Channel 11.

Tags: plug