ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV
Investigative Documentaries

Kaso ng mga pulis na pumatay umano ng ilang menor de edad, tatalakayin


RELIEVED
28 September 2017 Episode

Napatay ng pulis si Kian delos Santos sa tatlong araw na Oplan Galugad noong noong ika-15 hanggang 18 ng Agosto.

Relieved na raw ang tatlong pulis na sangkot sa kaso at kasalukuyang nasa Regional Personnel Holding and Accounting Unit sa Camp Bagong Diwa sa Taguig City. Sa Custodial Security Office sila mananatili habang hindi pa tapos ang kaso.

Relieved muna sila sa kanilang puwesto bilang pulis. Ibig sabihin, pansamantala ay tinanggal sila sa kanilang istasyon at wala munang trabaho pero tuloy pa rin ang suweldo. Kumpiskado rin ang kanilang mga tsapa at baril.

Ayon sa Internal Affairs Office (IAS) may 726 na relieved na pulis sa bansa. Mula nang magsimula ang kampanya kontra droga ni Pangulong Duterte, mahigit 2,000 pulis na ang nasangkot sa mga operasyon na sinampahan ng kaso.

Bukod kay Kian, pinatay rin ang 19 na taong gulang na si Carl Angelo Arnaiz. Nanlaban daw ito, ayon sa mga pulis. Ang kaibigan niyang si Reynaldo De Guzman o Kulot na menor de edad ay natagpuang patay sa isang sapa sa Gapan, Nueva Ecija.

Ano ang mangyayari sa kaso nila? Huwag kaligtaang manood ng Investigative Documentaries ngayong Huwebes, alas otso ng gabi kasama ang 2013 Metrobank Journalist of the Year na si Malou Mangahas sa GMA News TV Channel 11.  /kvd