Pinoy na kauna-unahang konsehal sa New Zealand, kikilalanin sa Investigative Documentaries
Investigative Documentaries
MGA PINOY SA NEW ZEALAND Part II
December 28, 2017

Mahigit sa 6 na milyon ang baka sa New Zealand, mas marami pa sa populasyon nito na halos 5 milyon lang. Tatlong porsyento ng gatas sa mundo ay galing sa bansang ito.
Isang dekada na sa New Zealand si Mark Aguila. Siya ay isang contract milker sa mahigit 600 ektaryang bukirin sa Ashburton. Kasosyo siya ng may-ari ng bakahan. Binabayaran sila ng fixed na kita kada kilo ng gatas na naibebenta nila. Kasali rin sa trabaho ni Mark ang pag-aalaga at paggatas sa mga baka. Kumikita siya ng halos P5 hanggang P10 milyon kada taon.
Dito na rin nakatira ang asawa ni Mark na si Acel at apat nilang mga anak. Ang kanilang pamilya ay opisyal nang naging Kiwi Citizen noong 2016.

Si Thelma Trono Bell naman ang kauna-unahang konsehal na may lahing Pilipino sa Ashburton at sa buong New Zealand. Nahalal siya noong 2016. Sa distrito nina Thelma ay may 11 konsehal.
Bawat isa ay may suweldong 25,000 NZD o mahigit P800,000 bawat taon.
Ang mga politiko sa New Zealand ay simple ang pamumuhay. Wala silang security guard at driver. Lahat ng kanilang gastos na mula sa kaban ng bayan ay nakalathala sa pahayagan.

Noong 1987 nakarating sa New Zealand si Thelma at doon nakapangasawa ng isang Kiwi, si Brian. May dalawa silang anak, sina Natasha at Liam.
Sa ikalawang bahagi ng ating episode sa New Zealand, kilalanin natin ang ilan sa mga Pilipinong nagtagumpay sa napili nilang larangan sa ibang bansa.
Huwag kaligtaang manood ng Investigative Documentaries ngayong Huwebes, alas otso ng gabi kasama ang 2013 Metrobank Journalist of the Year na si Malou Mangahas.