Ospital na hindi napapakinabangan, bibisitahin ng Investigative Documentaries
PAGAMUTAN
15 February 2018 Episode
Ang Meycauayan ay isang first class at highly urbanized city sa Bulacan. Walang pampublikong ospital sa lungsod. Noong 2013 ay itinayo ang Meycauayan General Hospital.

Mahigit sa 200,000 ang populasyon ng Meycauayan na puwede sanang makinabang sa proyekto.
Ang problema, hanggang ngayon ay hindi ito napakikinabangan. Naluma na ang mga gamit sa loob ng ospital.

Ang budget sa pagtatayo ng ospital: PhP 330 milyon.

Samantala, ang bayan ng Pandi sa Bulacan ay isang second class municipality. Halos 90,000 ang populasyon dito. May tatlong Rural Health Units (RHU) sila, pero dalawa ay 'di naman bukas.

Wala ring pampublikong ospital ang Pandi kaya naman magandang balita ang pagpapatayo ng kauna-unahang government hospital dito noong 2013. May kakayahang itong tumanggap ng 25 na pasyente. Ayon sa kapitolyo, PhP 25 milyon ang halaga ng proyekto.
Alamin kung bakit hanggang ngayon ay hindi napakikinabangan ang mga ospital.
Manood ng "Investigative Documentaries" ngayong Huwebes, alas otso ng gabi kasama ang 2013 Metrobank Journalist of the Year na si Malou Mangahas sa GMA News TV Channel 11.