ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV

Mga nakatenggang paaralan sa Samar, iimbestigahan ng Investigative Documentaries


PAASAralan
26 April 2018 Episode

Dalawang gusali ng Eladio Balite Memorial School of Fisheries (EBMSF) sa Bobon Northern Samar ang hindi napakikinabangan. Mahigit P20 milyon ang pondong inilaan dito ng Department of Education.

Ang Department of Public Works and Highways (DPWH) ang nangasiwa sa pagtatayo ng dalawang gusali. Para sana ito sa mga mag-aaral ng senior highschool.

May mga bitak ang sahig ng unang gusali. Sira ang mga bintana at binabaha kapag umuulan. Kompleto sa ilaw at may electric fan pero ang wala namang kuryente.

Ang ikalawang gusali ay inumpisahan noong May 2017 at dapat tapos na noong December 2017. Hanggang ngayon ay hindi pa ito tapos at iniwan na nakatengga ng contractor nito.

Samantala, ang mga apektadong mag-aaral. Nagtitiyaga sa mga tent na classroom.

Alamin ang detalye ng mga natengga o di kaya naman ay depektibong school buildings sa Nothern Samar.

Manood ng Investigative Documentaries ngayong Huwebes, alas otso ng gabi kasama ang 2013 Metrobank Journalist of the Year na si Malou Mangahas sa GMA News TV Channel 11.