Pagbaha sa Valenzuela City, paano masosolusyunan?
LUBOG
2 August 2018 Episode
Kahit walang ulan, palaging lubog sa baha ang barangay Veinte Reales sa Valenzuela City. Natuto na ang mga residente na makibagay sa sitwasyon. Bitbit ng mga bata ang kanilang sapatos kapag papasok sa paaralan para hindi ito mabasa.

Ang mga gamit sa loob ng bahay ay nakapatong sa mas mataas na lugar para hindi na magbuhat ng mga ito sakaling tumaas ang tubig.

Solusyon sana ang itinayong dike at pumping station noong 2014 ng Department of Public Works and Highways (DPWH) pero may mga bitak na ito ngayon at tumatagas ang tubig mula sa creek.

Dahil sa baha, dumami rin ang nagkasakit sa barangay. Nitong Hulyo, may 29 na taga rito ang dinapuan ng dengue. Isa ang Veinte Reales sa may mga pinakamataas na kaso ng dengue sa lungsod.

May mga residente na umalis na lang at iniwan na ang kanilang bahay.
Tunghayan ang buhay ng mga residente na palaging lubog sa baha ang komunidad.

Manood ng Investigative Documentaries ngayong Huwebes, alas otso ng gabi kasama ang 2013 Metrobank Journalist of the Year na si Malou Mangahas sa GMA News TV Channel 11.