ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV

Awayan, Kampihan at Pagbabati sa 'May Tamang Balita'


MAY TAMANG BALITA Awayan, Kampihan at Pagbabati!
Airing Date: September 27, 2012
                                                         Awayan, kampihan at pagbabati! Ito ang tampok ngayong Huwebes ng gabi sa May Tamang Balita! Unang awayan --- awayan sa Senado!  Kanya-kanyang kampihan na raw ang mga senador matapos ang bangayan nina Senate President Juan Ponce Enrile at Senator Antonio Trillanes IV tungkol sa isyu ng backdoor negotiation sa bansang China kaugnay sa Panatag o Scarborough Shoal.     Ang tanong ---  May iba pa bang mga Pinoy na maaring gawing negosyador dahil may tunay silang “powers” na magpa-“tumbling” sa Tsina?  Abangan ang ginawang listahan ng MTB!    Sunod na awayan --- iba-iba ang ang opinyon ng mga tao tungkol sa umano’y moro-morong pagsingit ng probisyon tungkol sa online libel sa bagong Cybercrime Law.    Ayon sa Busy Catholic Bishops of the Philippines o BCBP,  ang mahalaga ay maipatupad na agad ang batas na ito! Ano kayang say ng nag-mama-“asim” na namang si Fadir Clahey tungkol sa Cybercrime law?     Samantala, kwento naman ng pagbabati --- Marian Rivera at Heart Evangelista, nagka-ayos na?! Matatandaang nagkaroon ng away ang dalawang aktres habang nagshu-shooting noon ng pelikulang “Temptation Island”   At sa ginanap na tribute concert para kay Comedy King Dolphy, ipinakita raw nina Marian at Heart na “Past is past.” na talaga!   Ito at iba pang Pa-Star na balita, ihahatid na!   Abangan ang tatlumpung minutong siksik sa balitang gawa-gawa at mga patawang may patama!   Samahan sina Ramon Bautista, Maey B., Boobay at ang special guest na si Ms. Frencheska Farr sa May Tamang Balita, ngayong Huwebes, 10:30pm sa GMA News TV!