ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV
Balitaktakan at chikahan sa 'May Tamang Balita'
MAY TAMANG BALITA Balitaktakan at Chikahan Airing Date: October 18, 2012 Isang naiibang MTB ang hatid namin sa inyo ngayong Huwebes ng gabi! Kasama sina Ramon Bautista, Maey B, Boobay at mga kulang sa pansin na personalidad mula sa mundo ng showbiz, pulitika, at kung anik-anik pa, tayo nang magbalitaktakan tungkol sa mga pinaguusapan, pinagtatalunan at pinagtatawanang mga isyu ng bayan. Mula sa isyu ng ‘watered down’ version ng sin tax bill, kontrobersya sa ‘di malaman kung totoo o pekeng 1972 ambush kay Senate President Juan Ponce Enrile, pagkandidato ni Jinkee Paquiao, pagdami ng mga pelikula tungkol sa mga kabit at nangangaliwa, at facial makeover ng heroic dog na si “Kabang” sa amerika, ano kaya ang say sa mga isyung ito nina Fadir Clahey, Panggulong Ate Glow Ayoyo at Madame Belle Dama?! Samantala, hatid din namin ang masayang interview sa mga “hottest” bida ngayon --- sina Ate Gay na magko-konsyerto kasama si Superstar Nora Aunor na kanyang idolo at ang “Tiktik” stars na sina Ding Dong Dantes at Lovi Poe! Balitaktakan at chikahan! Tawanan at kulitang walang katapusan abangan sa May Tamang Balita, mapapanood ngayong Huwebes, 10:30 PM sa GMA News TV!
More Videos
Most Popular