ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV
Aswang: Ang 'Motorcycle Diaries' Halloween Special
Noong nakaraang buwan, isang misteryo ang bumalot sa Barangay Balubad sa Bulakan, Bulacan. Sunod-sunod na nagkamatayan ang mga alagang hayop ng mga residente gaya ng pato, baboy, kambing at mga itik. Ang ikinabahala ng mga tao… ang paraan ng pagkamatay ng mga hayop.
Wakwak ang dibdib at wala na ang laman loob, ganito ang karaniwang nangyayari sa mga hayop na pinaslang. Kaya para sa taumbayan, malaking katanungan kung sino o anong klaseng nilalang ang salarin sa likod ng insidente.
Bago ang pagpatay sa mga alagang hayop, ilang residente ang nakasaksi umano ng malaki at mabangis na nilalang na may anyong aso. Habang ang iba naman nakakarinig ng nakahihindik na alulong. Paniwala ng ilan, ang karumal dumal na sinapit ng mga alagang hayop, kagagawan ng aswang! Aswang na nag-aanyong malaki at mabangis na aso. Pero bukod sa aswang, mayroon ding bulong-bulungan na maaaring gawa ito ng isang kulto.
Pinuntahan ni Jay ang Barangay Balubad para imbestigahan ang kababalaghang bumabalot dito. Kanyang nakapanayam ang mga residenteng namatayan ng mga alagang hayop. Sinamahan niya rin ang mga barangay tanod sa kanilang pagronda tuwing gabi na inaabot ng hanggang madaling araw. Sumama rin ang veterinarian na si Dr. Nielsen Donato ng programang Born to be Wild para hulihin ang nilalang sa likod ng pagpaslang .
Makaharap kaya nila Jay ang “aswang” na nagtanim ng takot sa puso’t isip ng residente ng Barangay Balubad? Totoo nga kaya ang “Aswang” o kathang isip lamang?
Ngayong Undas, ikalawa ng Nobyembre, bibigyang linaw ni Jay ang kababalaghang bumabalot sa Barangay Balubad. Huwag palalagpasin ang Motorcycle Diaries Halloween Special ngayong Biyernes, 8PM sa Gma News TV channel 11!
Tags: plug
More Videos
Most Popular