ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV

Maki-roadtrip kasama ni Kara David sa 'Motorcycle Diaries ni Jay Taruc'


MOTORCYCLE DIARIES
ROADTRIP KASAMA SI KARA DAVID
Sa isang espesyal na pagtatanghal ng Motorcycle Diaries, makakasama ni Jay ang batikan at kapwa Peabody Award winner na mamamahayag na si Kara David. Sa pagkukrus ng kanilang landas hindi lang sa industriya, kundi ngayon pati na sa kalsada, isang aspeto ng award-winning journalist ang makikilala natin – ang pagiging certified motorcycle rider ni Kara!  
Sa isang natatanging roadtrip, sakay ng motorsiklo babaybayin ni Jay at Kara, kasama ang iba pang riders, ang malubak na daan patungo sa Zambales. Sa kanilang mahabang biyahe mula sa Maynila, pinaka puno ng pagsubok ang dalawamput limang kilometrong daang gawa  sa lahar na kanilang tatahakin. Sa off road challenge na ito, siusubukin ng matagtag at maalikabok na daan ang husay at tatag ng kanilang determinasyon sa pagsakay ng motorsiklo. Kayanin kaya ni Kara ang daang lahar o isang aksidente ang sa kanya’y naghihintay?
Samahan din si Jay na alamin kung paano nagsimula ang pagkahilig ni Kara sa motorsiklo. Pakinggan mismo mula sa kanyang ama na si Professor Randy David kung ilang beses sumemplang at bumangon si Kara sa pagmomotor. Mula naman sa kanyang mentor na si Mel Tiangco ating tuklasin ang sikreto sa tagumpay ni Kara sa industriya ng pamamahayag. 
Sabayan din natin si Kara sa pag-akyat sa bundok sa Tanay, Rizal para maghatid ng liwanag sa mga kapatid nating katutubo. Kasama ang kanyang grupo sa Project Malasakit, kapit-bisig nilang tatawirin ang rumaragasang agos at tubig na umabot hanggang dibdib ang taas sa pitong ilog marating lamang ang komunidad ng kababayan nating katutubong Aeta.
Umangkas na at huwag magpapaiwan sa natatanging roadtrip kasama si Kara David sa Motorcycle Diaries, 10pm THursday, dito lang sa GMA News TV channel 11!
Tags: plug