ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV
Kakaibang food trip, handog ng 'Motorcycle Diaries ni Jay Taruc'
MOTORCYCLE DIARIES
PALAWAN EXPEDITION PART 3
July 25, 2013
Kakaibang food trip ang mararanasan ni Jay sa ikatlong yugto ng Motorcycle Diaries Palawan Expedition. Matitikman niya ang isang lamang dagat na karaniwang kinatatakutan at hindi niya rin palalagpasin lasapin ang sarap ng mga authentic Vietnamese Cuisine sa Puerto Princesa.

Kilala ang Vietville Restaurant sa Puerto Princesa dahil sa mga authentic Vietnamese cuisine na kanilang inihahain. Isa sa mga paboritong luto dito ang Chao Long, isang luto sa karne ng baka na may malinamnam na sabaw at noodles. Pero bukod sa Chao Long, marami pang nakatatakam na putaheng Vietnamese na niluto mismo ng Vietnamese Chef na si Thanh Huong ang bubusog sa atin.
Unang naipakilala sa panlasa ng mga Palawenyo ang mga lutuing Vietnamese noong dekada otsenta ng mapadpad sa Palawan ang mga Vietnamese refugees. Iniwan nila ang sariling bansa noon dahil sa karahasan umano mula sa komunistang pamahalaan ng Vietnam. Nakikilala ni Jay si Nhan Nguyen sa Viet Ville na nagsilbing kanlungan ng mga refugees. Ikinuwento ni Nhan ang hirap na kanilang pinagdaanan ng mahigit isang buwan sa dagat sakay ng maliit na bangka makarating lamang sa Palawan.

Isang resort naman sa Puerto Princesa ang naghahain kakaibang pagkain. Mabili sa kanila ang exotic food na salabay o jellyfish! Isang klase ng salabay ang kanilang niluluto ng ibat ibang putahe tulad ng abet kilawin. Inihahalo rin nila ito sa panghimagas na fruit salad. Kaya naman ang dating peste sa mga mangingisda, itinuturing na nilang biyaya. Ito na kasi ang hinuhuli ng ilan sa kanila para kumita.
Makakausap ni Jay ang ilang mangingisda na nagtatrabaho sa resort para manguha ng salabay tulad nina Jonathan at Jamad. Bakas sa mga peklat at latay sa kanilang katawan ang iniwang pinsala ng salabay ng ilang beses silang mabiktima nito sa pangingisda noon. Pero sa kabila nito, ang pinakaiiwasan nilang salabay noon ang siya nilang hinuhuli ngayon. Dahil sa kinikita nila mula sa salabay, hindi na nila alintana ang panganib na hatid ng mga galamay nito.

Sa bayan naman ng Quezon makikilala ni Jay ang mga kahanga-hangang Palawenyo na patuloy na nakikipaglaban sa kabila ng kapansanan. Ipinanganak si Niño na walang mga binti at paa. Sa kabila nito hindi naging hadlang ang kanyang kakulangan para makapagtapos ng kolehiyo.
Kung pinagkaitan ng mga binti at paa si Niño, kakaibang pagsubok sa kanyang mga kamay naman ang pinagdaraanan ng dalawampu't apat na taong gulang na si Jaymar. Ipinanganak si Jaymar na magkadikit ang tanging dalawang daliri sa kaniyangkanang kamay. Pero sa kabila nito ay nakagagawa pa rin siya ng mga obra sa pagpinta. Ang mga naipinta niyang obra na naibenta ang siya namang ginagamit niyang pantustos sa mga gastos sa eskwela.

Huwag bibitiw dahil patuloy ang ating pag-arangkada sa ikatlong yugto ng Palawan Expediton sa Motorcycle Diaries ngayong Huwebes, 10PM sa GMA News TV channel 11!

Huwag bibitiw dahil patuloy ang ating pag-arangkada sa ikatlong yugto ng Palawan Expediton sa Motorcycle Diaries ngayong Huwebes, 10PM sa GMA News TV channel 11! Tags: plug
More Videos
Most Popular