ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV
Biyaheng Taj Mahal sa 'Motorcycle Diaries' India Expedition
MOTORCYCLE DIARIES
2nd Anniversary Special - India Expedition Part 2
Airing Date: August 22, 2013
Sa ikalawang yugto ng ating India Expedition sasadyain naman nina Jay at Joey ang kolektor ng mga vintage motorcycle sa Haryana, India. Dito nila makikita ang mahigit pitumpung sinaunang motorsiklo na pag-aari ni Monti. Ilang antigong kagamitan din tulad ng gramophone ang nirerestore ni Monti para gamitin sa kanyang bahay.
Aarangkada na rin tayo mula New Delhi papuntang Agra kung saan matatagpuan ang isa sa pinakamagandang gusali sa buong mundo – ang Taj Mahal. Espesyal ang biyahe nating ito dahil sa kauna-unahang pagkakataon, magkakasama sa isang road trip ang mga Pinoy at Indian riders. Sa isang pambihirang pagkakataon, makakasama nila Jay sa joy ride na ito ang pinakamalaking cruiser motorcycle group sa buong India - ang Born2Ride!

Pagdating sa Agra, papasyalan naman nila Jay ang mga kilala at naggagandahang istruktura na ipinagawa noong panahon ng Mughal Empire. Gawa sa pulang sandstone ang Agra Fort na dating himpilan ng puwersang sandatahan ng emperyo. Tulad ng Intramuros sa Maynila, isang siyudad na nababakuran ng konkretong pader ang Agra Fort. Sa loob nito matatagpuan din ang mga mosque at ang mga palasyong tinirhan ng mga emperador ng Mughal Empire.

Mula sa Agra Fort matatanaw ang pinakaenggrandeng museleo sa buong mundo – ang Taj Mahal. Ipinagawa ito ng ikalimang emperador ng Mughal Empire na si Shah Jahan bilang simbolo ng kanyang wagas na pag-ibig para kay Mumtaz Mahal. Ang Taj Mahal ang himlayan ng labi ni Mumtaz Mahal. Bukod sa kahanga-hanga nitong disenyo, nakamamangha rin ang ang mga pader nitong napapalamutian ng mga nakaukit na hiyas o gemstone na tila ipininta sa puting marmol. Marble inlay ang tawag sa sinaunang sining na ito.

Binisita nila Jay ang Subhash Emporium, isa sa mga kilalang pagawaan ng mga produktong may marble inlay. Iba’t ibang marble inlay products ang makikita dito mula sa lamesa, jewelry box, hanggang sa replika ng Taj Mahal. Nagkakahalaga ng mula apat na daang piso hanggang kalahating milyong piso ang mga marble inlay product na mabibili dito, depende sa disenyo. Mabusisi kasi ang proseso ng paglalagay ng mga hiyas sa inukit na marmol kaya naman bawat obra manu-manong ginagawa ng marble inlay artisan. Hindi na rin pinalagpas ni Jay ang pagkakataon. Sa gabay ng isang maestro, sinubukan ni Jay ang paghugis ng hiyas na ginagamit sa marble inlay.

Huwag magpapaiwan sa ikalawang arangkada ng ating India Expedition sa Motorcycle diaries ngayong Huwebes (Agosto 22) 10PM, sa GMA News TV channel 11!

More Videos
Most Popular