ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV
Diwa ng Pasko sa 'Motorcycle Diaries'!
#DiwangPasko
Motorcycle Diaries
Airing date: December 12, 2013
Sa isang espesyal na pagtatanghal, susuong tayo sa isang makabuluhang paglalakbay sa kuwento ng buhay ng ilan nating kababayan. Itatampok ang kanilang mga simpleng hiling sa Paskong darating, at ang kanilang pagsisikap na ito’y matupad. Dahil naniniwala sila na ang tunay na diwa at puso ng Pasko ay ang pagbibigayan sa kapwa tao kahit sa simpleng paraan.

Sa Villamor Airbase lumalapag ang mga eroplanong lulan ang mga biktima ng bagyong Yolanda na lumikas mula sa Leyte at Samar. Dito sinasalubong sila ng mga volunteer na handang umagapay sa mga nasalanta. Bumabaha ang libreng pagkain para sa mga nasalanta na ilang araw ng walang laman ang tiyan dahil sa sakuna. May libre ring masahe para sa mga biktima maging sa iba pang mga volunteer na tumutulong sa kanila.

Isang activity center din ang itinayo para sa mga batang nasalanta kung saan mga estudyanteng volunteer naman ang nag-aasikaso sa kanila. May mga libro at laruan dito sa pag-asang kahit paano ay makalimutan ng mga bata ang takot at trauma na dulot ng trahedya. Simpleng hiling ng mga volunteer, makatulong maibsan ang hirap na pinagdaraanan ng mga nasalanta.
Sa mga kalye naman sa paligid ng simbahan at pamilihan ng Quiapo, makikita ang siyam na taong gulang na si Jamal na nagtitinda ng plastic bag. Muslim man siya at hindi ipinagdiriwang ng kanyang pamilya ang Pasko, ang tangi niyang hiling sa musmos niyang isipan ay mabigyan pa rin ng regalo ang mga nakababatang kapatid sa panahong ito. Kaya buong maghapon ay nagtitinda siya ng plastic bag para madagdagan ang kanyang ipon sa alkansiya at makabili ng laruang manika sa kapatid.

Halos dalawang dekada namang namumuhay mag-isa sa Maynila ang otsenta’y tres anyos na si Lolo Mileton. Imbes na magretiro ay dumidiskarte pa siya para kumita. Ipinangako niya kasi sa sarili na igapang ang pag-aaral ng nag-iisang anak hanggang makatapos ito sa kolehiyo. Kaya halos buong araw siyang nagtitinda ng kendi at sigarilyo sa bangketa. Madalas pa nga ay dito na rin siya natutulog para lang makapagtinda kahit madaling araw.

Isang traffic enforcer naman ang buong taon ay nag-iipon. Pagdating ng Disyembre, ipinamimili niya ng pagkain at laruan ang naipon na pondo. Ipinamimigay niya ang mga ito sa mga batang lansangan sa tuwing Pasko. Ito na raw ang kanyang naging misyon sa loob ng sampung taon, ang magbigay ng konting saya sa mga taong walang-wala.
Ating isabuhay ang diwa at puso ng Pasko sa Motorcycle Diaries ngayong Huwebes sa GMA News TV channel 11!

More Videos
Most Popular