ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV
Unang yugto ng Tarlac expedition sa 'Motorcycle Diaries'
#TarlacExpedition
MOTORCYCLE DIARIES TARLAC PART 1
June 26, 2014

Sa pagpapatuloy ng ating ekspedisyon, probinsya ng Tarlac naman ang susunod nating destinasyon. Pinakahihintay ng mga magsasaka ang tag-ulan, ito kasi ang hudyat ng pagtatanim ng palay. Pero ang biyayang dala ng ulan, may kaakibat din palang salot sa taniman. Tuwing tag-ulan kasi nabubulabog at naglalabasan ang mga dagang namiminsala ng tanim nilang palay. Pero ang mga pesteng daga, natuklasan nilang meron palang ibang pakinabang. Nakakain ang karne nito kaya naman hindi lang pagsasaka ang pakay nila Ronaldo at kanyang mga kaibigan tuwing nasa palayan, nanghuhuli rin sila ng mga daga. Sa katunayan, kapag nakarami sila ng huli ay ibinebenta rin nila ang karne ng daga sa palengke.

Sa Barangay Maamot sa bayan ng San Jose nakilala ni Jay ang kahanga-hangang batang si Gil. Hindi man normal ang pagkahubog ng kanyang mga kamay at paa, hindi ito naging hadlang para sa dose anyos na bata sa pagbabanat ng buto para sa pamilya. Tuwing Sabado at Linggo, umaakyat siya sa bundok para magsibak ng kahoy na kanyang ginagawang uling. Dahil hindi pantay ang hubog at laki ng mga paa ni gil, hindi siya nakapagsusuot ng tsinelas o anumang sapin sa paa kaya naman malaking pagsubok ang mahabang lakarin sa madulas at mabatong daan. Doble rin ang kanyang ingat sa pagbalanse para hindi madulas at tangayin ng agos sa tuwing tumatawid ng hanggang dibdib na tubig na ilog. Pagdating sa bundok, halos walang pahinga si Gil sa pagsisibak ng kahoy na kanyang gagawing uling. Matagal din bago nasanay ang mga kamay ni gil sa paghawak at paggamit ng itak dahil hindi nahubog ang mga daliri sa dalawang niyang kamay.
Tampulan man siya ng tukso at pangungutya, hindi nito napigilan si Gil para pumasok sa paaralan. Sa kabila kasi ng kapansanan ay mababakas kay Gil ang masidhing determinasyon na maabot ang kanyang pangarap na makapagtapos ng pag-aaral at maging abugado balang araw. Gusto niya rin kasing matulungan at suportahan ang dalawang kapatid na may sakit sa isipan.

Pero bukod sa mga kapatid ni Gil, may iba pa palang kaso ng mga maysakit sa isipan sa kanilang barangay. Hindi matatawaran ang sakripisyo araw-araw ng trenta y otso anyos na si Aling Perla para sa mga anak. Tatlo kasi sa pitong anak ni Aling Perla, meron ding sakit sa pag-iisip. Hindi nakalalakad, nakakapagsalita, at makakilos nang normal ang panganay niyang si Luigi. Animo’y parati rin itong nanginginig dahil sa walang humpay na paggalaw ng katawan nito. Pero ang higit pang ikinabahala ni Aling Perla, nang makitaan na rin niya ng mga sintomas na katulad ng kay Luigi ang dalawa pa niyang anak na sina James, labing-isang taong gulang at Gemma, siyam na taong gulang. Dahil sa kakapusan, ni minsan ay hindi pa niya nadala sa espesyalista ang mga anak para masuri ang kanilang kondisyon.
Panoorin ang mga natatanging istorya ng buhay sa lalawigan ng Tarlac kaya tutok na sa Motorcycle Diaries ngayong Huwebes 10pm sa GMA News TV channel 11!

More Videos
Most Popular