ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV

Pasyal sa Eiffel Tower at food trip kasama ang Pinoy artists, tampok sa 'Motorcycle Diaries'


#EuropeExpedition
MOTORCYCLE DIARIES
3RD ANNIVERSARY SPECIAL – PART 4
 
Mula sa mga bansang Germany, Austria at Italy, dumiretso sina Jay sa isa sa pinakasikat na lungsod sa Europa, ang Paris sa France, sa ikaapat na yugto ng Europe Expedition ngayong Huwebes.
 
Hindi pinalagpas nina Jay na mabisita ang tinaguriang “La ville-lumiere” o “The city of light” — ang Paris! Dito matatagpuan ang La Tour Eiffel  o Eiffel Tower na isa sa pinakasikat at pinakadinarayong tore sa buong mundo.  Sa taas na 1,063 feet, ang Eiffel Tower ang pinakamataas na istruktura sa buong Paris.  Kasama ang kaibigang sina Pet at Gaston, binisita nila ang Eiffel Tower na binansagang “the most-visited paid monument in the World,” dahil kada taon mahigit kumulang anim na milyong turista ang bumibisita dito.

Dati ring nagtatrabaho sa industriya ng turismo sa Pilipinas si Pet. Sa labinlimang taon niyang paninirahan sa Paris, kabisado na rin niya ang mga atraksyon dito. Ipinasyal ni Pet si Jay sa pamosong “Arc de Triomphe” na ipinatayo ni Heneral Napoleon Bonaparte.  Hindi kalayuan sa “Arc de Triomphe” ay mararating naman ang tinaguriang “the most beautiful avenue in the world" — ang Avenue des Champs-Elysees.  Kilala ang kalyeng ito sa mga teatro, cafe at restaurant at mga tindahan ng mga ‘luxury brands.’ Sinadya rin nila ang Bastille Saint-Antoine na dating state prison at garrison noong French Revolution.  Nagbigay pugay din si Jay sa labi ni Jim Morrison na isang iconic American rockstar na nakalibing sa Pere Lachaise Cemetery sa Paris. 

Isa namang alagad ng sining si Gaston. Isa siya sa kinikilalang installation artists sa Paris. Isinama ni Gaston si Jay sa Montmarte na madalas niyang puntahan para pagkunan ng inspirasyon sa sining. Sa katunayan ilang premyadong artist tulad ni Pablo Picasso ang nagtayo rito ng art studio.  Ipinakita rin ni Gaston kay Jay ang kaniyang sariling mga likhang sining.  Sa art studio ni Gaston makikita ang ilang rebulto na kanyang pinait sa imahe ng bul’ol o mga diyos ng ani ng mga Igorot. Tatlong dekada man daw siyang naninirahan na sa Paris, hindi pa rin niya makalilimutan ang kultura ng lahing pinagmulan. 

Matapos mamasyal, tinikman naman ni Jay ang authentic French crepe.  Pero di tulad ng  mga nakasanayan nating panghimagas na crepe na hinahaluan ng matamis gaya ng prutas, ice cream at syrup  Sa Paris, itinuturing pala itong main course meal na pinapalamanan naman ng ham, itlog at mushroom.

Huwag ng bibitiw sa ikaapat na yugto ng Europe Expedition ngayong Huwebes, 10 PM sa Motorcycle Diaries sa GMA News TV channel 11!