ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV

Mga 'di malilimutang kuwento sa likod ng Europe Expedition, tampok sa 'Motorcycle Diaries'


#EuropeExpedition
MOTORCYCLE DIARIES
3RD ANNIVERSARY SPECIAL – PART 5
THURSDAY 10PM, GMA News TV 11
 
Labimpitong lungsod... limang bansa... sa kontinente ng Europa sa loob ng labindalawang araw. Ito na marahil ang mapangahas na paglalakbay ng Motorcycle Diaries Team. Ito rin ang itinuturing naming isa sa pinakamapanghamon sa mga Expedition na aming nagawa. Ngayong Huwebes, aming ibabahagi ang mga mga 'di malilimutang sandali at mga kuwento sa likod ng ikatlong anniversary special ng Motorcycle Diaries. Muling bibisitahin ang magagandang tanawin at atraksyon sa mga bansang  Germany, Austria, Italy, Vatican at France sa Europe Expedition.  
Sa Marienplatz sa Munich, Germany, nakilala ng grupo ang Pinay na si Lura at asawang Aleman na si George. Sinamahan silang mamasyal sa Marienplatz o St. Mary’s Square at natikman nila ang sikat na beer ng mga aleman.
Unforgettable din ang mga kakaibang strukturang nakita ng grupo sa Europa--- ang sikat na  Leaning Tower of Pisa sa Italy, at ang La Tour Eiffel  o Eiffel Tower sa France, na mga pinakasikat at pinakadinarayong tore sa buong mundo.
Sa isang pambihirang pagkakataon, nalibot naman ni Jay ang loob ng pinakamalaking simbahang Katoliko sa buong mundo – ang St. Peter’s Basilica sa Vatican City.  Bukod sa iba’t ibang obra ng mga kilalang artist sa kasaysayan tulad ni Michelangelo, makikita rin sa loob ng basilica ang himlayan ng pinakamamahal na santo papa at ngayo’y santo na si St. John Paul the second.
Pero sa kabila ng mga nakatutuwang karanasan sa pagbisita sa mga atraksyon sa Europa, nakaranas din ng aberya sina Jay. Matapos ang pag-iikot nila sa Roma, inabutan nina Jay na basag ang salamin ng kanilang service van. Lahat ng gamit kasama ang mga laptop at hardrive na naglalaman ng kanilang mga kuha sa loob ng labindalawang araw ng ekspedisyon ay nanakaw.
Bagamat nanakaw ang mga gamit, hindi naman makukuha ang masasayang karanasan ng grupo kasama ng mga kababayan at mga bagong kaibigan na nakilala sa Europa.
 
Panoorin at pakinggan ang mga kuwento ng pagsubok, pagsisikap at pagpupunyagi ng ating mga kababayan sa Motorcycle Diaries Europe Expedition ngayong Huwebes, 10 PM, sa GMA News TV channel 11!