ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV
Kalye ng lagim, tampok sa 'Motorcycle Diaries'
MOTORCYCLE DIARIES
#KalyeNgLagim
Halloween Special Part 1
October 23, 2014
Ngayong Huwebes ng gabi, samahan si Jay na bagtasin ang ilan sa mga kinatatakutang kalsada at tuklasin ang mas kakila-kilabot na kuwento sa likod ng mga kababalaghang bumabalot dito.
Ang sakunang kinahantungan ng ilang motorista sa lansangan na nababalot daw ng lagim, dulot nga ba ng ‘di matahimik na kaluluwa?


“Karamihan motor, single, mga riders. Minsan may namamatay, nasusugatan. Minsan nababangga sa mga truck. Yan dito palagi nakikita nilang white lady, kumakaway minsan tinatawag sila. Yun, palaging nasesemplang sila”- Joel Evangelista, Saksi sa ilang mga aksidente

“Nung una, parang may telang gumagalaw sa likod, so sabi ko medyo iba na yung pakiramdam ko. Ngayon that time ‘pag ganun ko sa side mirror sabi ko may back-ride ako, parang na-shock ako. Iyung hininga ko putol na, ang titigas na nung kamay ko parang nakikipag-agawan siya sa akin sa manibela." — Jon “Sparco” Jaldo, Rider

“Kapag po may naaksidente po diyan, ang lagi po nilang sinasabi na meron daw pong nakaangkas sa kanila na white lady. Tapos pagka pagdating po diyan natumba na po sila, dahil kahit ano daw pong laban nila sa manibela ay talaga pong ganun.”
— Nilda de Guia, residente
— Nilda de Guia, residente

“Dyan sa taas na yan may mangga, may nakita akong babae na ang puti ng suot.”
“Puti yung suot, nasaan na yung babae?”
“Naglalakad, nakakasalubong ko kasi galing ako dun sa itaas bigla na lang nawala.”
– Hilario Ordenza
– Hilario Ordenza

“Mga alas-nuebe po ng gabi, tapos parang may nakita akong palapit sa akin pasugod kaya po ako naghihiyaw na.”
“Anong papalapit? Anong nakita mo?”
“Babae po na ukab yung mukha tapos may dugo ang kanyang mukha.”
“Nakapangkasal po.”
“Nung sinapian ka, naalala mo yung mga nangyari?”
“Hindi po, hindi ko po masyadong naalala, kasi lambot na lambot na yung katawan ko na takot na takot po, na halos akoy pa-iyak na.”
— Liezel de Guia, sinapian umano ngbabaeng nakapangkasal
— Liezel de Guia, sinapian umano ngbabaeng nakapangkasal
Angkas na sa paglalakbay ni Jay sa mundo ng misteryo at kababalaghan. Huwag palalampasin ang unang yugto ng Halloween Special ng Motorcycle Diaries ngayong Huwebes, 10 PM sa GMA News TV channel 11!
More Videos
Most Popular