ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV

Food trip at extreme adventures sa Pampanga, susubukan sa 'Motorcycle Diaries'


#MDBiyahengPampanga
MOTORCYCLE DIARIES
March 26, 2015

Ngayong Huwebes, simulan na natin ang bakasyon ngayong tag-init! Para sa mga taong sawa nang mag-island hopping at magtampisaw sa beach… makisigaw, matakam at mamangha sa paglalakbay natin patungong Pampanga para sa isang natatanging summer fun adventure.
Sa Porac, Pampanga, dinarayo ang Sandbox, isang pasyalan na susubok daw sa iyong tapang. Pero ang Pampangueñang Kapuso star na si Sheena Halili, game na game sa pagtanggap ng summer fun challenge ng Sandbox. Kayanin kaya ito ni Sheena?
Siyempre hindi makukumpleto ang ating summer roadtrip kung walang food trip lalo na sa lalawigang tinaguriang Culinary Capital of the Philippines. Pagkatapos ng mga makapigil-hiningang challenge sa Sandbox, niyaya naman ni Jay si Sheena na mag-ikot sa probinsiya para tikman ang sarap ng mga pagkaing Kapampangan.
Hinamon naman ni Jay ang Pampangueñang Kapuso star at comedian na si Maey B. na lumipad sakay ng ultralight aircraft.  Sa gaan nito, mabilis itong nakaaakyat ng hanggang walong daang talampakan. Mula sa himpapawid, isang extreme sport naman ang susubukan ni Maey sa tubig – ang wakeboarding!
Para naman sa mga taong hilig ang nature trip, maaaring sumabay sa paglalakbay ni Jay papuntang Mt. Pinatubo Crater. Pero bago makarating sa malaparaisong tanawin sa bunganga ng bulkan, kailangang sumakay ng four-wheel drive o four-by-four truck dahil lubak lubak at karaniwang mabato at madulas ang daan patungo sa crater ng Pinatubo.
Para sa kakaibang summer adventure, angkas na sa biyaheng Pampanga ngayong Huwebes, 10 PM sa Motorcycle Diaries sa GMA News TV Channel 11!