ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV

Alessandra de Rossi, sasama sa road trip ng 'Motorcycle Diaries' sa Cavite




Isa na namang roadtrip challenge ang tututukan ngayong Huwebes sa Motorcycle Diaries kasama ang Kapuso actress na si Alessandra de Rossi. Sakay ng motorsiklo sasadyain nila Jay at Alex ang Cavite. Susubukan ni Alex gawin ang trabaho ng magtatahong. Sasamahan niya ang mga mangingisda sa laot sa pangunguha ng tahong hanggang sa paglilinis at pagtitinda nito. Titikman rin nila Jay at Alex at ibat ibang putaheng luto mula sa tahong ng Cavite.



Kilalanin din  ang mga kung tawagin ay “pocket” or “mini bikes”--- mga motorsiklong “cute na cute” pero take note, hindi lang pala ito pangbata!



Pa-angasan ng porma at pa-astigan ng dating! Ganito ang mga motorsiklong makikita sa Moto Builds Pilipinas. Layunin nitong itanghal sa mundo ang natatanging talento ng mga Pinoy pagdating sa pagbuo ng motorsiklo! Limang pinakamagagaling na custom motorcycle group at restorers ang tumanggap ng hamon at ang isa sa mga nanalo-- si Paolo Abrera, asawa ng Kapuso nating si Suzi Abrera.



Angkas na sa pag-arangkada ni Jay ngayong Huwebes 10 PM sa 2015  New York Festivals Bronze World Medalist, Motorcycle Diaries sa GMA News TV Channel 11.