ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV
Love guru at DJ na si Papa Jack, aarangkada sa 'Motorcycle Diaries'

Siya ang isa sa pinakasikat na boses sa radyo at madalas siyang marinig na nagbibigay ng payo sa pag-ibig. Pero sa kabila ng kanyang kasikatan marami ang hindi nakakaalam na ang DJ na si Papa Jack, isang full-pledged rider!


Sa isang pambihirang pagkakataon, lalabas ng radio station si Papa Jack para umarangkada sakay ng motorsiklo kasama si Jay! Pero hindi lang sila haharurot sa lansangan, dahil ilang hamon din ang ibinigay ni Jay kay Papa Jack. Kayanin kaya ni Papa Jack ang maglako ng beef pares gamit ang motor?

Mapapanuod siya bilang “Amale” sa MariMar at isa rin siya sa mga seksing Bubble Shakers sa gag show na Bubble Gang… Kasama rin siya sa listahan ng mga pinakaseksing binibini sa bansa ayon sa isang sikat na men’s magazine----hindi na mapipigilan ang pag-angat ng pangalan ni Arny Ross!
At ngayong Huwebes, siya ang “hot babe” na makiki-angkas kay Jay. Bukod sa mahabang motorcycle ride papuntang Laguna, kakasa kaya siya sa white water rafting challenge ni Jay!?



Tutok na ngayong Huwebes 10PM, sa GMA News TV channel 11 sa New York Festivals World Bronze Medalist, ang Motorcycle Diaries: Live the Ride!
More Videos
Most Popular