ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV
Hebigat Riders, haharurot sa 'Motorcycle Diaries'
Pagdating sa pagmomotorsiklo, hindi nawawala sa uso ang mga classic o vintage look. Para makumpleto ang pormang classic sa pagmomotor, ang mga nirestore na lumang motorsiklo pinalagyan pa ng leather accessories o mga kagamitang yari sa katad. Kung gusto mo namang lumutang ang ganda ng iyong leather accessories, pwede mo itong paukitan ng disenyo sa pamamagitan ng leather art! Samahan si Jay bisitahin ang isang sikat na leather artist na si Acidhead Basilio.

Nakilala rin ni Jay ang ilang stunt riders sa Bulacan. Animo’y mga sirkerong de-motor ang mga rider na ito. Pagdating sa pasiklaban, wala raw silang kinatatakutan! Ating kilalanin ang X-Team Riders!

Literal na ‘bigatin’ naman ang makakasama ni Jay sa isang roadtrip. Doble kasi ang bigat nila kumpara sa ibang riders. Pero mataba man daw sila sa paningin, ‘pag sumampa na sila sa motorsiklo mapapalingon ka sa angkin nilang husay sa pagmamaneho! Patutunayan nilang wala sa timbang ang sukatan ng husay sa pamomotorsiklo. Sila ang mga “Hebigat Riders!”

Sa bawat paglalakbay, baon naman nila ang isang mabigat at mahalagang misyon, ang magpalaganap ng pag-asa at inspirasyon sa gitna ng mga hamon ng buhay. Layunin nilang ipalaganap ang salita ng Diyos sa pamamagitan ng pamamahagi ng Bibliya.

Angkas na sa isang ispiritwal at makabuluhang biyahe kasama ng mga Word Riders Philippines!
Tutok na ngayong Huwebes 10PM, sa GMA News TV channel 11 sa New York Festivals World Bronze Medalist, ang Motorcycle Diaries: Live the Ride!
Tutok na ngayong Huwebes 10PM, sa GMA News TV channel 11 sa New York Festivals World Bronze Medalist, ang Motorcycle Diaries: Live the Ride!
More Videos
Most Popular