ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV

Asian at European escapades ni Jay Taruc, babalikan sa 'Motorcycle Diaries'


Sa pagbubukas ng bagong taon, muli nating balikan ang mga paglalakbay na tumatatak sa ating kamalayan. Mula Pilipinas, aarangkada tayo sa mga bansa sa Southeast Asia hanggang sa Europa

 



Isa sa hindi malilimutang biyahe ng Motorcycle Diaries ang unang paglalakbay sa labas ng Pilipinas – ang Asean Expedition. Layunin nina Jay Taruc kasama ang tatlo pang beteranong rider na maging kinatawan ng Pilipinas sa isa sa pinakamalaking pagtitipon ng mga rider sa Southeast Asia – ang Borneo Island International Big Bikes Federation. Mula Malaysia hanggang Brunei at Indonesia, muling tunghayan ang mga pagsubok na kanilang pinagdaanan para makarating sa Big Bike Festival.

 


 
Samahan din si Jay lasapin ang mga pagkain, libutin ang mga tanawin at tuklasin ang kontinente ng Europa sa loob ng labing-apat na araw! Mula Germany, aarangkada si Jay patungong Austria, babaybayin ang Italya hanggang makarating ng Paris sa France.           

 


                                                                                         
Angkas na sa pinaka-malalaking biyahe ng aming programa ngayong Huwebes 10pm sa Gma News TV Channel 11, sa New York Festivals World Bronze Medalist, ang Motorcycle Diaries!