ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV

Mga panibagong sagupaan sa URCC, mapapanood sa 'News TV All Sports'




NEWS TV ALL SPORTS
February 22, 2015
Sunday (10am – 12nn) Replay
 
Ngayong Linggo, limang pares ng mga mandirigma ang magsasagupaan para sa URCC 25: Take Over!
 
Una ang banggaan nina Drex Zamboanga at Joseph Mercado para sa Bantamweight Division. Susundan ng tapatan ng pambato ng submission sports na si Ryan Jakiri at fighter ng Team Zendokai na si Hideo Morikawa. 'Di naman paaawat sa aksyon ang laban nina Cris Hoffman at Nickson Kola.

 
Masaliw at mamamangha naman kayo sa full-packed action nina Caloy Baduria at Mark Palomar.
 
At sa ating main event magtatapat para sa titulo ng vacant URCC Bantamweight Champion sina Andrew Benibe at Onyok Transmonte.

 
Abangan kung sino sa kanila ang magdodomina ng laban dito lang sa Tahanan ng mga Kampeon, ang GMA News TV All Sports!