FULL TRANSCRIPT AND VIDEOS: 'Pagsubok ng mga Kandidato'
In GMA News TV two-part senatorial forum for the 2013 elections, "Pagsubok ng mga Kandidato," senatorial candidates Chiz Escudero, Gringo Honasan, Risa Hontiveros, Edward Hagedorn, Miguel Zubiri, Mitos Magsaysay, Ricardo Penson, Sonny Angara, Jun Magsaysay, Ernesto Maceda, Greco Belgica, JC delos Reyes, Samson Alcantara, Bam Aquino, Teddy Casiño, Tingting Cojuangco, Lito David, JV Ejercito, Baldomero Falcone, Marwil Llasos, Ramon Montaño, Koko Pimentel, Grace Poe, Christian Señeres, Eddie Villanueva, and Cynthia Villar faced the toughest trial yet as they answered a battery of questions from anchor Jessica Soho and panelists Malou Mangahas, Prof. Winnie Monsod, and Howie Severino.
In the first round of the forum, the candidates were divided into pairs and were given about a minute each to answer how they would confront various leadership scenarios. In the second round of the forum, the senators had to answer questions from the panelists.
Check out how our candidates fared in GMA News Online’s full transcript of "Pagsubok ng mga Kandidato."
QUESTION:
Sa ilalim ng Priority Development Assistance Fund o PDAF ng General Appropriations Act, bawat senador ay tatanggap ng P200 milyong pisong halaga ng pork barrel taun-taon. Kung mahahalal ka, paano at saan mo gagamitin ang iyong PDAF? Ano ang proposed breakdown mo nito?
CHIZ ESCUDERO:
Nitong termino namin ngayon bilang inyong kinatawan ng Senado, ginastos namin ang P2 milyon kada taon sa dalawang bagay lamang. Una, pagpapa-repair, construct, at rehabilitation ng public markets sa lahat, sa bawat isang munisipyo at siyudad sa buong bansa. Downloaded sa kada LGU. Panagalawa, sa lahat ng regional hospitals sa buong bansa din, downloaded din sa regional hospitals para sa assistance, sa indigent patients. Kung muling mabibigyan ng pagkakataong manilbihan, aming gugugulin 'yan sa pagpapagamot pa rin ng indigent patient pero bababa na kami sa provincial, district, city, at municipal hospitals. At hindi na po public markets, kung hindi school buildings ang aming ipapagawa sa bawat local government unit din sa buong bansa at downloaded din po ang pondo sa kada local govenrment unit. Hindi ko itinuturing na implementing agency ang aming opisina, kung kaya't ang dapat magpatupad ng pondong yan ay ang local government unit, o hindi man, ang kada public, regional, provincial, municipal, o city hospital man.
GRINGO HONASAN:
Kabuhayan, pagkain, pabahay, medical services, kalsada, eskuwelahan, pero lahat ng ito ay itututok natin sa pinakamahalaga nating yaman - yung kabataan, ang ating mga anak, mga estudyante, yung susunod na henerasyon. Make them stronger, healthier, smarter, happier. Para pagdating ng araw na mamumuno sila, competitive sila sa mga Germans, Americans, Singaporeans, Chinese of their generation.
QUESTION:
Ano sa palagay mo ang ugat ng kahirapan ng bansa? Bilang senador, paano mo tutugunan ang ugat ng problemang ito?
EDWARD HAGEDORN:
Alam n’yo po, ako'y nagpapasalamat sa katanugang 'yan kasi isa po sa dahilan kung bakit ako tumakbong senador ay para ma-address ang problemang sa poverty. Sa 20 taong panunugkulan ko sa lungsod ng Puerto Princesa, napatunayan natin na isang dahilan ng environmental (unintelligible) at pagtaas ng kriminalidad ang kahirapan. Kaya po ang totoong dahilan kung bakit gusto kong sumabak sa Senado ay para magkaroon ng isang honest to goodness na anti-poverty program. Sa amin pong lungsod, nasubukan na namin ito. Pero ngayon susubukan namin on a national scale. Sa amin po, nagkaroon tayo ng community-based sustainable tourism na kung saan ang commnity mismo ang nagma-manage ng ating tourism industries. Nagkaroon din tayo ng pirmahan sa Central Bank ng isang credit assurance fund na magbibigay ng pondo sa mga kooperatiba nang walang collateral. Ang pera po ng city ang nakapasok dito plus ang ibang mga bangko na nagtulong-tulong. Isa pa rin po na alam naming naging dahilan ng kahirapan ay ang kakulangan sa edukasyon. Sa Puerto Princesa po, more than 500 school rooms na po ang itinayo natin magmula noong tayo'y manungkulan. Nakita nating isa [pang] dahilan ng kahirapan ay ang kakulangan sa medical services. Alam n’yong Puerto Princesa is very long. You have to travel 90 kilometers mula kahit saang ospital so when we took over, we created the satellite hospitals for every 10 barangays.
MIGUEL ZUBIRI:
Ang malaking problema nating bansa ang kahirapan. Poverty eradication ang kailangan nating gawin. Lalo na sa kalusugan, pag may problema ang ating mga kamag-anak, ating mga anak, ating asawa, gagawin po natin lahat - kapit sa patalim - para magkaroon po ng lunas ang problema nila. Kaya mayroon po akong pinropose na panukala, ang “no balance billing, amendments, universal health care law for socialized medicare” kung saan wala na po tayong babarayan sa pagamutan ng ating mga kababayan - libre na po. Ginagawa na po namin 'to sa Bukidnon, at ginagawa po ito sa Makati, at iba't-ibang malalaking probinsya at mga siyudad. Pero bagamat ginagawa na rito, kailangan natin maisabatas ito dahil marami pong mga probinsya na hindi po kaya dahil sa kinikita nila ay napakaliit. Kawawang-kawawa po ang ating masang Pilipino, hindi kayang bayaran ang hospital bills na ito dahil napakamahal. Yung PhilHealth ay hindi sagot sa kahirapan dahil hindi po lahat ay babayaran ng PhilHealth - halos kalahati, 50 percent lang ang binabayaran, may naiiwan pa. At meron pa akong isang panukala, ang "food for school program" kung saan lahat ng kabataan ay bibigyan ng almusal at tanghalian para sa nutrition, para sa edukasyon. Lalong ma-educate ang mga kabataan dahil sila'y busog at masaya.
QUESTION:
95 milyon na ang populasyon ng Pilipinas. Ano ang iyong opinyon ukol sa paglaki ng ating bilang? Nakatutulong ba o hindi ang bilang na ito sa pag-unlad ng Pilipinas?
MITOS MAGSAYSAY:
Para sa akin, hindi dapat maging problema ang populasyon. Ang importante lamang dito ay dapat tugunan ng pamahalaan sa tamang programa po kung paano natin gagawing productive ang ating mga kababayan. Ang problema kasi dito sa bansa natin hindi natin nilgay sa tamang programa to make our people productive. Dapat dito, buhusan natin ng pondo ang edukasyon lalo na sa tertiary education scholarships at sa skills training program. Dahil kapag nakapag-aral ang ating mga kababayan, meron silang nalalaman na skill mas madali silang makakahanap ng trabaho at pag may trabaho sila, may sweldo sila. Kaya na nilang buhayin ang mga pamilya nila kahit ilan pa ang magiging anak nila. At kung ayaw nilang magtrabaho dito sa Pilipinas pwede silang magtrabaho abroad. At kapag nakita ko naman po na nagtrabaho sila at may trabaho sila, nagkakataon po sila ng pagkakataon na ma-i-angat yung buhay ng kanilang pamilya. Nagkakaroon po ng pagkain sa hapag kainan, nakakabili sila ng bahay, napapag-aral nila ang kanilang mga anak sa paaralan. Kaya ang importante po dito ay ilaan ang pondo ng gobyerno sa tamang programa. Ibuhos natin sa edukasyon. Ibuhos natin sa skills training program para maging productive ang mga kababayan natin at hindi natin sila nakikita pakalat-kalat dahil wala po silang trabaho.
RISA HONTIVEROS:
Una sa lahat, patuloy akong sumusuporta sa responsible parenthood law at patuloy akong susubaybay sa nitong Reproductive Health Law. Hindi rin po ako naniniwalang may Catholic vote na anti-RH. Naniniwala po ako na ang Catholic vote ay pro-RH. Ang bilang po natin sa populasyon ay isang given sa ating bansa. Ang mas mahalaga pa pong factor ay ang quality of life ng bawat isa nating tao - ang quality natin bilang mga mamamayan. Marami na rin po akong nailaban at naipanalo bilang dating mambabatas o kongresista. Kasama na nga po yung RH Law. Kasama na rin po yung cheaper medicines law na nagpababa ng presyo ng mga gamot at yung taun-taong pagtaas ng budget para sa kalusugan upang lalong palawakin ang health services para sa lahat. Yung ganyang mga laban ay dapat ipagpatuloy at palakasin para lalong gumanda ang ating kinabukasan. Mahalagang ituloy ang laban para sa buhay at karapatan nating mga kababaihan at para gumanda ang serbisyong publiko o panlipunang serbisyo sa bawat tao para sa quality of life ng bilang, anumang bilang ng ating populasyon. Salamat po.
QUESTION:
Tanong ng isang magsasaka: Ano ang gagawin n’yong batas para tulungan kami para makabawi kaming muli sa aming puhunan at makapagsimula kaming muli?
RICARDO PENSON:
Sa tatlong dekada na sinasabi ng ating magsasaka, makikita natin na napakarami ng ipinasang mga batas ngunit hindi na 'to nabigyan ng pondo para isapatupad itong mga batas na ito. Kinakailangan alisin ang middle man para sa ating mga magsasaka. Yung ating NFA ay naging inutil na po ang kanilang mga gawain. Kinakailangan balikan ang ating original root industry - kailangan nating balikan ang ating agrikultura, palakihin ulit natin, kalimutan muna natin yung mga glamour industries. Balikan muna natin yung mga basic growth industry nate-trace natin sa agriculture.
SONNY ANGARA:
Marami po tayong problema sa agrikultura. Meron tayong batas diyan, 'yung Agricultural and Fisheries Modernization Act na nagsasabing at least every year, 20 billion dapat ang ginugugol po ng pamahalaan sa lahat ng sektor ng agrikultura. That's for credit facilities para pa-utang po sa magsasaka, para sa post-harvest facilities tulad ng… Sabi nga noong isa, mawawala na po yung middle man. Minsan kapag walang pagtataguan yung farmers, o pagso-store nung tanim po nila, naiipit po sila, kailangan nila ibenta kahit mura po yung presyo. Yun, hindi nasusunod yun over the last 10 years kahit sa kongreso yung tinatawag na unimplemented mandates po ng ating gobyerno. Sana, seryosohin po natin yung nakalagay po sa batas dahil nandiyan na po yan, pinaghirapan na po yan ng dating henerasyon ng mambabatas sana bigyan naman natin, sundan natin yung mandato ng batas. At yung agricultural productivity dapat sagutin po natin yan, to be rice self-sufficient kailangan po natin ng at least 20 to 22 million tons of rice every year - nasa 17 million tayo, siguro gumamit tayo ng hybrid breeds of rice para ...
QUESTION:
Ilang beses ka nang nailuklok sa Senado. Ano pa ba ang hindi mo nagagawa? Anong batas ang gusto mo pang ipanukala na kailangan ng ating bansa at bakit?
JUN MAGSAYSAY:
Labindalawang taon na tayo sa Senado until 2007. Nang makita kong mahalaga ay yung meron tayong lideratong moral at meron tayong lideratong competent sapagkat diyan nag-uumpisa ang success o failure of any endeavor - social, political, economic. Kaya't ang gusto ko, magkaroon tayo ng pondo ng bayan under President Aquino III upang mabigyan ng kapital yung mga individual Filipinos, young and old, na merong enterprise, meron silang vision, creativity, at yang mga yan ang magiging leaders natin para magkaroon tayo ng mga negosyo, mga trabaho. Kasi kung walang negosyo, wala ring trabaho. Number one yan. And that needs a lot of policy. And congress ang nagbibigay ng policy at nag-alay ng funds.
ERNESTO MACEDA:
Sa tatlong termino ko sa Senado, humigit-kumulang 200 ang aking in-author, co-author, at isini-sponsor na batas ngunit taun-taon, maraming bagong problema. At ngayon, pati mga lumang problema lalong lumalala. Ang pinakamalalang problema ngayon na dapat gawan ng isang master plan ay ang kawalan ng trabaho na siyang tanging dahilan kung bakit may kahirapan. So we have to create 3 million jobs a year and we can do that by increasing public works, increasing agricultural support, and increasing tourism services support. At bukod sa mga yan, kailangan bigyan natin ng karagdagang authority o power ang local governments, kailangan nating i-increase ang internal revenue allotment para mas malaki ang pondo ng mga munisipyo at barangay at bukod sa mga yan we need more legislation for senior citizens, increase natin yung 20 percent to 30 percent senior citizen discount at bigyan natin sila ng allowance na P1,400 a month katulad sa Makati at sa mga ibang lungsod na nagbibigay ng allowance sa senior citizens.
QUESTION:
Pangunahing trabaho ng mga senador ang magpanukala at magpasa ng batas. Tungkol saan ang unang batas na iyong ipapanukala? Ano ang magiging probisyon nito? At bakit ito mahalaga?
GRECO BELGICA:
Labis na labis na po ang taas at dami ng buwis sa ating bayan. Fifty to 70 percent ng ating kinikita ay kinukuha ng pamahalaan. Pati yung lupang binili mo na, binabayaran mo pa sa kanila taun-taon kung hindi kukunin din sayo, ito po ang sanhi ng kahirapan. Ako po ay nagpo-propose ng flat tax system, isang buwis na hindi tataas sa 10% ng neto (net) ng iyong kinikita. Pag ito po ay ating ginawa, bababa po lahat ng presyo ng mga bilihin, gasolina, pamasahe at tataas naman po ang take home pay at lalaki ang kita ng bawat mamamayan at bawat negosyo, therefore mas maraming kinikita ang negosyo, mas maraming maraming negosyo ang maitatayo, masasagot ang unemployment rate. Pangalawa, kaya napakahirap po ng mga lungsod at mga siyudad, ako po ay isang local government official na nagkaroon ng experience, dahil ang lahat po ng yaman at lahat po ng kinikita kinukuha na trabaho at buwis ng ating local governments sinisipsip po lahat ng national government. Palagay ko mas mahusay ang ating pamahalaan kung ating idi-divulge, idi-decentralize ang ating pamahalaan at masasagot pa ang lahat ng krimen at ang sindikato maa-address pa dahil decentralized ang pulis at decentralized po ang government. A limited government is always a best option for our country.
JC DELOS REYES:
Ang gusto po namin mangyari, finally after 27 years, ipasa na po yung political dynasty bills. Ang dami pong bills na nakasalang sa Kongreso pero hindi po nila pinapansin yan. Kahit na po hindi ako senador, yung Kapatiran Party po, pinipilit isulong through Republic Act 6735 o Initiative Law na magkaroon po ng initiative against political dynasties pero we will do that simultaneously with this election and campaign and pag ako ang nahalal, pag ako naging senador pa talagang ipa-prioritize po natin at maliban po diyan maraming batas na nandiyan na kung ginawa lang natin, giginhawa yung buhay ng mga kababayan natin like the FOI. Ang tanong po, bakit napasa po sa Senado, sa lower house hindi pa po napapasa? These are key legislations na naniniwala po kaming pag naipasa yan, babagsak yung corruption rate natin - yung katiwalian at marami pang pondo ang mailalagay sa sa public services, para sa mga tao.
QUESTION:
Binigyan ni Senate President Juan Ponce Enrile ang mga senador noong Pasko ng pera mula 250,000 hanggang 1.6 milyong piso mula sa savings ng Senado. Kinakailangan lang mailahad nang malinaw kung paano ito ginastos. Paano mo gagastusin ang ganitong halaga kung ikaw ay mananalo?
GRACE POE:
Alam niyo po na ang maintenance at other operating expenses, iyan po ay malinaw na iyan po ay talagang ipinagkakatiwalang pera sa isang senador, halimbawa, o sa isang administrador. At iyan po ay dapat ibalik doon sa mga nagtiwala ng pera na iyon sa taong-bayan. So kung may other operating expenses na hindi po malinaw, siguraduhing ang mga proyektong iyan ay tunay na nasa mandato ng iyong ahensya o ng iyong responsibilidad. Kung ikaw ay nasa senado at maraming kang outreach programs para sa iyong mga constituents o kung in line ito sa iyong advocacy o komite, dapat doon magastos ang pera. Halimbawa, ang sa iyo ay health and education, kung mayroon kang special projects na maaari mong idagdag ang pondong ito, doon dapat ibigay iyan. Katulad sa MTRCB noon, ang aming other operating expenses ay napunta para sa aming kampanya para po sa pagtuturo ng tamang klasipikasyon sa telebisyon. Iyon lang po.
JV EJERCITO:
Sa mga panahon ngayon, napakamahal ng mga bilihin. Mabigat ang pinapasan ng bawat Pilipino kaya kung ako ay magkakaroon ng pagkakataong mabigyan ng ganyang halaga, ito po ay gagamitin ko para sa kalusugan ng ating mga mamamayan. Ngayon po sa Kongreso ay ito po ay aking pong pondong ay ibinubuhos ko po ano sa mga National Kidney—para 'yung mga nagpapa-dialysis na napakibigat ay magkaroon ng pagkakataon na humaba pa ang kanilang buhay—sa Philippine Heart Center, PGH, at doon po sa aming sariling ospital sa San Juan Medical Center. Napakabigat kasi. Sabi nga nila kapag mahirap, parang bawal magkasakit. Kaya ito po ang magiging tulong natin para malunasan ang pinapasan ng ating mga kababayang mahihirap.
At pangalawa, kung puwede rin, ito rin ay gagamitin kong pondo para sa edukasyon. Ang aking kasing paniniwala na ang tunay na paraan para maiangat ang antas ng buhay ng bawat pamilya ay magkaroon ng graduate. Dahil pag naka-graduate ay may pagkakataon na siyang makakuha ng magandang trabaho at iyon ang paraan upang maiangat niya ang antas ng buhay ng kanyang pamilya.
QUESTION FROM JOEY TIRADO, CONTRACTUAL WORKER, ON VIDEO:
Ako po si Joey Tirado, isang karpentero sa loob ng 15 taon. Papasok po ako nang kumpleto nang isang linggo, kulang pa po dahil hindi pa ho namin napapasukan, pinangungutang na namin po. Tulad ko na P400 po ang isang araw para sa akin hindi pa po sapat iyon. Kulang pa ho iyon sa pangangailangan namin sa araw-araw. Mahirap po ang mga bilihin. Mahal po ang mga bilihin. Tulad po namin na wala pong nakukuhang SSS tsaka Philhealth. Ang aking tanong, ano ang plano ng mga tatakbong senador sa mga katulad ko na contractual worker?
BAM AQUINO:
Maraming salamat, Jessica. Alam n'yo po ramdam na ramdam ko po ang problema ni Mr. Tirado. Marami pong mga kababayan ho natin hindi lang ho may problema sa pagiging contractual worker [kundi] wala ho mismong trabahong makuha. Kaya ang kinakailangan nating gawin ay talagang bigyan ng mga pagkakataon ang mga kababayan natin na pumasok sa mga trabaho na tama sa kanilang pinag-aralan, mayroong magandang sahod, at akma sa kanila. Tingnan ho natin ano na kung contractual worker naman siya baka puwede po siyang gawing regular employee kung maganda naman ang pinapasukan niyang kumpanya. At doon, magkakaroon siya ng SSS, Philhealth, at iba pang benepisyo. O di kaya po tulungan po natin siyang maging negosyante at gamit ang kanyang mga skills ay magtayo ng sarili niyang contracting firm kasama po ng mga kasama niya. Baka in that way, mas maging maganda ang kanyang buhay kung may mayroon po siyang negosyo. Kaya tingin ko po ang magandang gawin diyan ay tulungan ang mga kasama nating katulad ni Mr. Tirado, bigyan ng tamang pagkakataon at higit sa lahat po, yung mga contractual workers natin siguraduhin natin ay hindi naabuso. At ang kanilang gawa at trabaho ay talagang napupunta po sa mga bagay-bagay na makakatulong sa kanilang pamilya.
EDDIE VILLANUEVA:
Para malutas ang problema ng mga contractual workers ay gagawa po tayo ng isang landmark legislation upang ma-democratize ang ating ekonomiya. Unang una po ang mga contractual workers ay biktima ng inhustisya. 15 o 20 taon nagtatrabaho, contractual worker. Kaya ang programa po ni Bro. Eddie ay unang una ang democratization ng ekonomiya ng Pilipinas, lalo na sa mga contractual workers, lalo na sa mga saguiguilid. Ang saguiguilid kasi ang mga bayaning nalimot, limot na bayani—magsasaka, mangingisda. manggagawa, mga tsuper at mga limot pong bayani. Wala silang participation sa national dialogue. Wala silang participation in crafting the destiny of the nation. Napagkalimutan na sila. Ang number one diyan ay ang mga magsasaka at contractual workers kaya gagawa tayo ng landmark legislation na re-review-hin ho natin 'yan at sasabihin natin sa mga management na “Hey, maging makatao naman tayo sa pagtrato sa mga manggagawa.” At magkakaroon po tayo ng balanced and systematic relationship ng management at ng contractual o labor workers nang sa gayon ho mapabilis natin ang ekonomiyang walang naiiwan sa pag-angat bayan.
QUESTION:
Malinaw na ipinagbabawal ng Konstitusyon ang political dynasty. Pero marami sa ating mga pulitiko, kabilang na ang iyong pamilya, ay miyembro ng political families. Susuportahan mo ba ang isang panukalang batas laban sa political dynasties at bakit? Kukuha ka ba ng kamag-anak bilang miyembro ng iyong Senate staff?
TINGTING COJUANGCO:
Thank you very much, Jessica. Hindi nga ako puwedeng i-appoint ni Noynoy kasi I'm already related to him by the 5th... Wait, te Constitution said that you cannot appoint anybody that is on the 5th degree of relation, right? So I cannot already be appointed. But I don't see why there should be a bill to be filed against political dynasties because the decision belongs to the people. And if anyone is capable to serve the government, then let it be. Let the people decide.
CYNTHIA VILLAR:
Palagi ko pong pinag-aaralan...iniisip na ang pagsisilbi ng aming pamilya sa pulitika is public service so I never consider it as a dynasty. Kung in the future ang mga tao will clamor na hindi puwedeng more than one member of your family will serve in government, then susunod tayo sa batas. Magpapasa tayo ng batas noon at susundun natin iyon. Ako naman ay naniniwala na ang pagse-service sa ating mga kababayan ay hindi lamang sa pulitika kundi magagawa mo din iyon in your private life. At 'yung page-empleyo ng pamilya sa opisina, it's never been my policy. Palaging professional ang nagtatrabaho sa aming opisina. Hindi kamag-anak.
QUESTION FROM RONNIE, 17 Y.O., ON VIDEO:
Ako po si Ronnie, 17-taong gulang. Di gaya ng ibang mga kabataan dito sa lansangan ako lumaki ako sa lansangan. Wala po kasing trabaho ang aking mga magulang at hindi po nila kayang suportahan kaming 10 magkakapatid. Kaya isang araw napilitan ako magnakaw ng cellphone para maibenta at maipambili ng pagkain. Pero nahuli ako ng mga tanod. Takot na takot po ako noon pero mas takot na takot po ako sa pambubugbog nila sa akin, pati na rin ang mga pulis. Wala po akong magawa kundi ang umiyak. Narinig ko po na gusto ng iba na ang mga menor de edad na nagkakasala ay makulong. Eh alam naman po natin na magulo sa loob ng preso. Baka imbis po na makatulong sa pagbabago ng mga kabataan na gaya kon na naliligaw ang landas ay baka lalo pa po kaming mapariwara. Paano niyo po kami matutulungan sa Senado?
MARWIL LLASOS:
Magandang gabi, mga Kapuso! Marhay na banggi sa gabos na Bikolano! Napakalapit po sa aking puso ang hinaing ng ating kapatid kanina na ipinakita sa VTR sapagkat ako ay isang children's rights advocate. Ako po ay naninidigan sa pagpapatuloy ng pagpapatupad ng R.A. 7610 o Anti-Child Abuse Law, at pati na rin yung RA 9262 o Violence Against Women and Children Act of 2004. Ako ay hindi tutol na ang menor de edad ay mabilanggo sapagkat sila ay kinakailangan na mabigyan ng gabay. Kasi kapag sila ay nasa loob ng bilangguan, iyong mga juvenile offenders, yung mga tinatawag nating children in conflict with the law ay mas magiging hardened criminals sila. Imagine-in niyo, isasadlak ang mga kabataan kasama ng mga pusakal na kriminal. Pagdating ng araw niyan kung ang tattoo niyan isa pa lang, siguro tadtad na ang katawan. Ibig sabihin, mas magiging kriminal iyan sa loob. What we need here is a program para sa kabataan na sila ay ma-rehabilitate, mapag-aral, because prison is not for children. They belong to their family. Maraming salamat po.
KOKO PIMENTEL:
Magandang gabi po sa inyong lahat, ano. Tama po iyon na ang mga child offenders ay hindi ihalo sa adult offenders. Ang penalty nila, kung tawagin man natin itong penalty, ay iba. Hindi po dapat pagkakulong kundi ang turuan sila kung ano ang tama sa mali kaya iyong batas na iyan po ay pinag-aaralan na namin currently. Pero ang importante rito ay discretion. Alam na na nung 17 years old iyong kanyang ginagawa? Pinalaki ba siya na alam niya ang tama sa mali? Ang assumption natin na kung ang kabataan ay nag-violate po ng batas ay hindi niya alam ang tama sa mali. Bigyan natin siya ng benefit of the doubt. Sa aking pong palagay, ituloy po natin ang pagtulong sa kabataan, pati 'yung application ng criminal laws sa kanila ay ibahin natin sa application ng criminal laws sa matatanda at adults.
QUESTION:
May mga mambabatas na kaya na walang pork barrel. Kung ikaw ay papalarin na maging senador, pabor ka ba na alisin ang pork barrel ng mga senador at kongresista?
LITO DAVID:
Magandang gabi po sa inyong lahat. Sa Kapatiran Party po ay isa po sa aming mga plataporma ang pagtatanggal ng pork barrel dahil nais po namin tanggalin ang diskresyon ng mga kongresista at senador doon sa pagkakaroon ng projects sa local level. Hindi naman ibig sabihin nito na hindi na tayo magkakaroon ng mga development projects sa local level kundi, gagamitin natin ang existing mechanisms kung papaano dapat idine-deliver itong mga ganitong serbisyo sa taong-bayan. Marami po tayong sistema. Nandidiyan ang regional development councils, municipal development councils, city development councils, even iyong barangay development councils na kung saan ang pegdedetermina ng mga proyektong dapat gawin ay manggagaling sa ilalim-paakyat, ano. Iyan pong pork barrel ang pinanggagalingan ng pinakamatinding uri ng korapsyon sa ating bayan kaya't dapat na po iyang alisin.
CHRISTIAN SEÑERES:
Una po, nasa plataporma po ng aming partido, ang Democratic Party of the Philippines, na hindi po namin gagalawin ang pork barrel kung sakaling kaming tatlo po ay maupo bilang senador. Pero bilang isang dating kongresista, masasabi ko po sa inyo na ang aking pork barrel ay inilaan ko sa mga proyektong ng pakikinabangan ng mga kabataan katulad ng school buildings, drug rehab, sports center, at classrooms. Pero iyong bawat papeles po na may kinalaman sa mga proyektong iyon ay binigay ko po sa mga NGO at civil society groups at na-scrutinize para makita po nila na walang napunta sa kalokohan. At iyon po ang gusto kong i-institute para sa mga ibang pulitikong gagalawin po ang aming pork barrel... Gusto po namin na ma-institutionalize po ang pag-scrutinize ng mga civil society groups at NGO sa bawat pondo at bawat piso na mapupunta sa proyekto ng mga kongresista at senador.
QUESTION:
May mahigit 30 komite sa Senado na humahawak sa iba't ibang bagay mula sa climate change, medisina, pabahay, iligal na droga at iba pa. Saang komite ka nababagay o gusto mong salihan? Bakit?
SAMSON ALCANTARA:
Ang gusto ko po ay sa komite on labor kasi ako ay guro at nagtuturo ng Labor Law. Mga 45 years na akong nagtuturo ng Labor Law at makikita natin doon na marami pang dapat gawin (unintelligible) or amend sa provisions ng labor code o kaya iyong mga ibang batas tungkol sa labor. Gusto ko pa rin sana na magkaroon ng independent or separate code for the teachers. Ako ay guro kaya gusto kong protektahan ang mga karapatan ng mga guro at kailangan na lahat ng batas tungkol sa mga teachers ay nasa isang kodigo na iyon ay nagkakaroon ng relationships, ng rules governing relationship between the teacher and the school, between the teacher and the student, and between the teacher and the parents. Iyon po ang aking pakay ay gustong gusto ko talaga na maging member ng komite on labor. Kung sana, maging chairman ako.
BALDOMERO FALCONE:
I'm Bal Falcone. I'm the only Bisaya around. So, ang gusto kong committee ay pabahay at saka livelihood. Nakita ko na maraming masyado Filipino families na nakatira sa kariton o pushcart. Nakatira sa sementeryo, kumakain ng pagpag foods. May mga bahay sa Tondo, sa Vitas river, na walang CR, walang windows, walang doors. It's such a pity. So I would like to be in charge of the committee on housing. And when I say that we're pro-poor, I mean not to say, not just lip service because the Democratic Party of the Philippines or Democratic Party of the Poor have actually been giving livelihood to Aetas who have been displaced by Mt. Pinatubo. At saka, we are conducting regular seminars so that eventually ang mga pobre sa mga Baseco at squatter communities will be collocated into Zambales, providing them livelihood.
QUESTION:
Sumasahod ng P40K kada buwan ang isang senador. Marami ang humihingi ng tulong sa mga pulitiko mula sa iba't ibang sektor ng bansa. Paano mo matutulungan ang mga taong humihingi sa iyo ng pinansyal na suporta?
TEDDY CASIÑO:
Maraming salamat, Jessica. Kung sa sweldo ang pag-uusapan ang practice ko po ng siyam na taon diyaan sa Kongreso, bahagi talaga ng sweldo ko ay inilalaan ko dito sa mga charity work—iyong mga pumupunta sa opisina na humihingi ng gamot, etc. Dahil hindi naman pwede gamitin diyan yung mga pondo for maintenance and other operating expenses pero siyempre limitadong limitado lamang ito at kailangan ipaliwanag sa ating mga mamamayan na hanggang dito na lang talaga at kapag naubos na ho iyong kaunting naisantabi natin para sa kanila, hanggang doon na lang. Ipapaliwanag na lang naitn na sa ilalim ng batas ay hindi namang puwedeng mag-divert ng pera na hindi naman dapat napupunta sa ganyan. Of course, ita-try natin siguro na i-refer sila sa ilang makakatulong katulad ng mga charitable institutions pero tutulong ho tayo sa abot na hindi ito ilegal. Iyong personal lang po natin at kung ano ang pinapayagan sa ilalim ng batas.
RAMON MONTAÑO:
Ako, I have been sharing my salary with others since I was in the service kahit kakaunti lang iyon. Ipatuloy natin iyon when I become a senator, maybe kasi mas malaki ang sahod ng senador. Tama. We should not give out money from the people to support our vision of sharing what we have. What little we have we have share to those who wholly deserve sharing. Iyon ang balak ko kung ako ay mahahalal bilang senator of the Philippines.
IKALAWANG PAGSUBOK
Sa pangalawang round ng forum, sinagot ng mga kandidato ang ilang tanong mula sa mga panelist na sina Jessica Soho, Winnie Monsod, Howie Severino, at Malou Mangahas.
CANDIDATE: SONNY ANGARA
PANELIST: JESSICA SOHO
QUESTION FROM JESSICA SOHO TO SONNY ANGARA:
Kapag sa legalidad po natin dinaan ang usapin tungkol sa political dynasty, bawal po ito bagamat wala namang ipinasang enabling law ang ating Kongreso para rito, pero kapag sa delikadesa po natin dinala ang usapang ito, ano po ang maisasagot niyo na ang inyo pong pamilya ay isang political dynasty na mukhang may balak i-perpetuate ang kanilang mga sarili sa kapangyarihan?
QUESTION AS DISPLAYED ON THE ON-SCREEN GRAPHICS:
Ano ang masasabi n'yo na ang inyong pamilya ay isang political dynasty, may balak ba kayong i-perpetuate ang inyong angkan sa panunungkulan?
SONNY ANGARA:
Unang-una, bahagi po yan ng ating Saligang Batas, dapat nating galangin ang provisions sa political dynasty pero bagamat diyan, dahil wala tayong tinatawag na enabling law, siguro dapat maging masinop, dapat maging magaling pumili ang mga botante, dapat tignan ang bawat qualification ng humaharap sa kanila. Sabi ko nga, "don't give us the political dynasties an easy ride, by all means please scrutinize our records kung karapatdapat nga kaming umupo sa aming tinatakbuhang posisyon. With regard to our family, wala naman ho kaming intent to perpetuate ourselves in Aurora. My father's 78, my aunt the governor is 75 or 76, yung mga anak nila, aside from me, hindi naman sa pulitika so in a few years, there will be less Angaras in public office.
FOLLOW-UP QUESTION FROM JESSICA SOHO:
Ang Aurora province po ay nananatiling isa sa mga pinakamahirap pong probinsya sa ating bansa, ano po ang nagawa ng inyong pamilya para maibsan po ang kahirapan dito?
FOLLOW UP QUESTION AS DISPLAYED ON THE ON-SCREEN GRAPHICS:
Ano ang nagawa ng inyong pamilya para maibsan ang kahirapan sa Aurora?
SONNY ANGARA:
Yung Aurora po in the 1990's was one of the 20 poorest provinces ho in the country. Ngayon ho, kung titignan natin ang sukatan, nasa mid-table na po kami, at least mga number 33 or 35. So at least that goes to show na yung investments in human capital, yung nag-invest kami sa edukasyon, sa kalusugan, imprastraktura, yun ay nagkaroon ng kaunting epekto at siguro sa darating na henerasyon mas makikita pa po natin.
CANDIDATE: GRECO BELGICA
PANELIST: WINNIE MONSOD
QUESTION FROM WINNIE MONSOD TO GRECO BELGICA:
Kanina sinasabi niyo na ang first bill na isusulong niyo, pag nahalal kayo ay yung flat tax bill at hindi lang flat tax, 10 percent lang ang babayaran na income. Pero ayon po sa mga saliksik, itong flat tax bill ay mas nakaka-benefit sa mga mayayaman. They don't have to pay capital gains, they don't have to pay whatever it is. So paano niyo mare-reconcile yung inyong pro-poor stance with your pro-rich flat tax bill?
QUESTION AS DISPLAYED ON THE ON-SCREEN GRAPHICS:
Ano ang gagawin ng gobyerno para makakuha ng pondo para sa programang kontra-kahirapan?
GRECO BELGICA:
Four percent lang po ng mga Pilipino ang nagbabayad ng tamang buwis. The rest at ang karamihan po rito ay mahihirap dahil withheld ang taxes. Actually, a study was made because very complicated po ang tax system natin, we have 1,400 codes in our Tax Code meaning 1,400 exemptions at ang nakaka-avail po niyan ay yung mayayaman. With the flat tax, many will be paying the right taxes, meaning it's cheaper to pay low than to bribe BIR or collectors. Forty-three nations na po ang naka-flat tax. Kaya po sa Russia, after the first year ng kanilang flat tax, 40 percent po agad ang increase ng kanilang tax rate dahil nag-increase ang tax base. So the progressive tax system is actually what's giving favor to the rich, ma'am.
FOLLOW-UP QUESTION FROM WINNIE MONSOD:
Unfortunately, yung mga saliksik ko ay nagsasabi na the first five years, mawawalan ang gobyerno, especially sa 10 percent. 'Yung mga countries po sa Eastern Europe, ang kanilang flat tax is up to 24 percent. You want the 10 percent. So question, anong gagawin ngayong ng gobyerno? Saan sila kukuha ng pera para para sa mga programa para sa mahihirap?
FOLLOW UP QUESTION AS DISPLAYED ON THE ON-SCREEN GRAPHICS:
Ano ang gagawin ng gobyerno para makakuha ng pondo para sa programang kontra-kahirapan?
GRECO BELGICA:
Yun po ang mas malaking problema na yung pera, hawak ng gobyerno imbis na hawak ng tao kaya ang tao, walang pera kasi ang gobyerno ang puro may pera. If money will stay with the people, then they would be able to invest better for their own lives. They would be able to choose their own school, their own business, and life will be easier. Pag flat tax po lalaki ang tax base so therefore lalaki ang koleksyon ng pamahalaan based po on what happened with Russia and many Eastern European countries.
CANDIDATE: JC DELOS REYES
PANEL: MALOU MANGAHAS
MALOU MANGAHAS TO JC DELOS REYES:
Ang Kapatiran po ay suportado ng simbahan na kontra naman sa responsible parenthood law. Kayo po, ang personal na opinyon sa family planning at pamamahagi ng artificial contraceptives?
QUESTION AS DISPLAYED ON THE ON-SCREEN GRAPHICS:
Ano ang inyong personal na opinyon sa family planning at pamamahagi ng artificial contraceptives?
JC DELOS REYES:
Hindi po kami naniniwala sa reproductive health law. Naniniwala po kami that this is simply unconstitutional and my job, if elected, is to repeal the law. It is unhealthy, uneconomical, it is immoral. The budget that's supposed to go to the reproductive health law should go to the real needs of the real poor. Ilang bilyon po ang gagastusin para sa mga contraceptives, IUDs, pills this, that. That would destroy the morality of the people. And so, we believe that to help the poor, we don't minimize them, we really help the poor by loving them and uplifting the quality of their lives.
FOLLOW-UP QUESTION FROM MALOU MANGAHAS:
Kontra po ang Kapatiran sa political dynasties pero kayo po ay kabilang sa isang political clan. Kayo po ba ay maituturing na taksil o itinakwil na ng iyong angkan?
FOLLOW UP QUESTION AS DISPLAYED ON THE ON-SCREEN GRAPHICS:
Ikaw ba ay maituturing na taksil o itinakwil ng inyong political clan?
JC DELOS REYES:
Ikinakahiya ko po na ganun kami. Ako po ay hindi sumusunod sa tinakbuhan, kagustuhan, pulitika ng aming pamilya. Ako ay nag-organisa, isa ako sa nagbuo ng Kapatiran party at ito ay isang anti-dynasty political party dahil kahiya-hiya na ang mga nangyayari. Mahiya naman tayo sa ating mga kababayan at kaunting disiplina lang ipasa na natin ang anti-political dynasty law. Twenty-seven years na. Ang tagal-tagal na.
CANDIDATE: CHIZ ESCUDERO
PANELIST: HOWIE SEVERINO
QUESTION FROM HOWIE SEVERINO TO CHIZ ESCUDERO:
Imbis na mapag-usapan ang inyong performance bilang senador, mas nakakakuha ng atensyon minsan ang inyong private life o pribadong buhay. Kailan naman dapat maging relevant sa publiko ang love life o sex life ng isang public servant?
QUESTION AS DISPLAYED ON THE ON-SCREEN GRAPHICS:
Kailan dapat maging usaping publiko ang love life at sex life ng isang pampublikong opisyal?
CHIZ ESCUDERO:
Ang pananaw ko ay never at hindi dapat pinapakialaman ng sinuman ang pribadong buhay ng sinumang tao - nasa pampublikong opisina man siya o hindi subalit, sa isang demokrasya kung saan malayang pwede makapagtanong at makapag-isip at salita ang sinuman. Wala kaming pwedeng sabihin o ma-idikta tungkol sa bagay na yan. Hindi ko pinilit na maging publiko ang aking pribadong buhay. Sino ba naman ang may gusto nun? At kaugnay ng kasalukuyan kong kalagayan sa pribado kong buhay, kung sinuman ako, ay 'yun na ako pa nun. At kung sinuman ang kapiling ko ngayon ay siya na rin yun bago ko nakilala. At walang kinalaman sa trabaho ko sa personal na buhay at tinitiyak ko na walang kinalaman ang personal kong buhay sa aking trabaho.
FOLLOW UP QUESTION FROM HOWIE SEVERINO:
So there is no instance where it should be relevant to public life? Okay. Yung ginawa halimbawa ni US President Bill Clinton sa White House na nakipagtalik siya sa isang intern, do you think he should have been impeached? Dapat ba siyang na-impeach doon, naparusahan sa ginawa niya sa loob ng White House?
FOLLOW UP QUESTION AS DISPLAYED ON THE ON-SCREEN GRAPHICS:
Dapat bang na-impeach si dating U.S. President Bill Clinton sa ginawa niya sa loob ng White House?
CHIZ ESCUDERO:
Sa ilalim ng Saligang Batas ng Amerika, kung ano ang impeachable ay kung ano ang sasabihin ng kamara na impeachable. Pinagpasya at dinisisyunan ng kamara ng Amerika na na hindi ito bumubuo na isa ito sa mga gawain bilang impeachable offense. Hindi ko lang alam, Howie, paano 'yun papasok sa sarili kong buhay at hindi mag-aapply yun. Maging ganun pa man, personally, sa palagay ko dapat na-impeach siya dahil ginawa niya ang isang personal na bagay sa isang pampublikong lugar at gamit ang pampublikong oras.
CANDIDATE: EDWARD HAGEDORN
PANELIST: JESSICA SOHO
QUESTION FROM JESSICA SOHO TO EDWARD HAGEDORN:
Bagama't marami pong nagmamahal sa inyo sa Palawan, marami rin po ang takot dahil po sa inyong kamay na bakal. Paano niyo po i-dedepensa ang sarili ninyo doon sa mga nagsasabing isa kayong diktador, you cut through the process to punish some people, et cetera? Ano pong masasagot niyo doon?
QUESTION AS DISPLAYED ON THE ON-SCREEN GRAPHICS:
Paano mo idedepensa ang iyong sarili sa mga nagsasabing ikaw ay isang diktador na may kamay na bakal?
EDWARD HAGEDORN:
Hindi po totoo yan. Actually, sa Puerto Prinsesa, we dispense justice with compassion. To give you lang po an example, alam na alam natin yung pangangalaga ng kalikasan. Nahihirapan yung mahihirap dahil sila yung doon nabubuhay eh, doon source ng income nila pero hindi naman yun pwede maging katuwiran naman yung kahirapan para lumabag ka sa batas. Otherwise magugulo ang ating gobyerno. Halimbawa isang sample nakahuli kami ng nag-uuling. Bawal 'yung uling, nahuli, iiyak sa akin yung magulang - pambili lang ng pagkain yan mayor, pang-eskuwela lang ng mga bata, alam niyo binabayaran ko yun. Sinasabi ko sa kanya, "'Wag niyo nang kunin yung nakumpiska. Pabayaan niyo yan dahil nagkamali kayo. Heto yung bayad doon sa halagang nakumpiska. Wag niyo lang uulitin kasi bawal yan." Tapos naglagay po tayo ng mga community relief assistance doon nga po sa mga naapektuhan sa ating environmental programs. Lahat po ng kriminal, wala po kaming sinalvage.
JESSICA SOHO:
But if you were doing very well as a mayor, bakit gusto niyo pa maging senador? If you were really effective as part of the executive branch of government, bakit gusto niyo bang sumali sa legislative kung saan ang gagawin niyo ay magbalangkas ng batas?
FOLLOW UP QUESTION AS DISPLAYED ON THE ON-SCREEN GRAPHICS:
Bakit ka pa tatakbo bilang senador kung nagagampanan mo naman nang maayos ang iyong tungkulin bilang mayor ng Palawan?
EDWARD HAGEDORN:
May mga bagay na naging successful sa Puero Princesa na tingin namin kailangan i-replicate sa national. Like for example po, yung declaration of state of calamity. Dati po yan, presidente lang ang nagdedeklara. Pero noong na-encounter namin yung problema sa pagtigil ng (unintelligible), kailangan namin gamitin ang calamity fund, sabi nila hindi pwede, presidente lang ang pwede magdeklara ng kalamidad. Imagine, pondo namin, problema namin, presidente ang magde-decide. Nagdeclare kami ng state of calamity. Ngayon ho naging batas yan. So everybody's benefitting.
CANDIDATE: GRINGO HONASAN
PANELIST: WINNIE MONSOD
QUESTION FROM WINNIE MONSOD FOR GRINGO HONASAN:
Kanina pinag-usapan kung ano ang nangyari sa PDAF ninyo. Pero ngayon, mukhang merong itinatagong pork barrel na lumalabas and this is the MOOE ng mga senador. Lumabas sa controversy na ito na ang trato diyan ay parang confidential and intelligence funds na hindi kailangan na may resibo ng expenditures and that's why everybody wants to re-align their staff, the budget in to MOOE. Sa inyong pananaw, ito bang practice na ito na binibigyan niyo ang mga sarili ninyo ng ganitong klaseng favoritism and treating your expenditures as confidential funds, ito ba po ay dapat to be continued or are you going to do something about it if you win the election?
QUESTION AS DISPLAYED ON THE ON-SCREEN GRAPHICS:
Sa iyong pananaw, dapat bang ituloy ang pagturing sa Maintenance and Other Operating Expenses (MOOE) bilang confidential fund?
GRINGO HONASAN: Lantad po ang mga libro ng pamahalaan pero kailangan po ipaliwanag sa mga taumbayan. Nagsalita na po ang COA chairman, wala pong nilabag na batas o procedure ang Senate President pero nagsalita na rin po nagsalita na ang Senate President at sang-ayon kami, bukas, internal audit, external audit, para malaman ang katotohan tungkol dito. Ako naman po, lantad po ang aking libro, at lahat po ito ayon sa batas, subject to COA auditing and accounting procedures.
FOLLOW-UP QUESTION FROM WINNIE MONSOD:
Yung sinasabi mong batas, ikaw yung gumawa nun eh na sinabi niyo, "hindi kailangan mag-presenta ng resibo" para sa MOOE, itatrato parang confidential funds so how do you explain that? Yung legislature gives themselves extra privileges not given to others?
FOLLOW UP QUESTION AS DISPLAYED ON THE ON-SCREEN GRAPHICS:
Paano ninyo maipapaliwanag ang ekstrang pribilehiyong ibinigay sa mga senador ukol sa MOOE?
GRINGO HONASAN:
Kung yan ang hinihingi ng taumbayan at pagkakataon, babaguhin natin ang batas. Susuportahan ko ang batas.
CANDIDATE: RISA HONTIVEROS
PANELIST: MALOU MANGAHAS
QUESTION FROM MALOU MANGAHAS FOR RISA HONTIVEROS:
Puro isyung pang-kababaihan ang naririnig sayo. Punta tayo sa usapang pang-kalalakihan - paninigarilyo at mga baril, kapwa bisyo ng Pangulong Aquino. Liban sa sex life o love life na medyo mukha naman kailangang advice, ano ang inyong posisyon sa paninigarilyo at paggamit ng baril ng pangulo, may advice ka ba?
QUESTION AS DISPLAYED ON THE ON-SCREEN GRAPHICS:
Ano ang inyong posisyon sa paninigarilyo at paggamit ng baril ng Pangulo?
RISA HONTIVEROS:
Ang personal na pagtingin ko sa paninigarilyo ay isa siya sa pinakamapanira sa kalusugan ng tao na bisyo. Kaya sinuportahan ko rin na ipasa ang Sin Tax Law dahil ito ay hindi lamang revenue generating kung hindi health-seeking na measure.
Tungkol naman sa pamamaril, pesonally nagfa-favor ako sa isang gun ban o at the very least mas istriktong mga regulasyon sa paggamit ng baril. Bilang kapwa tao ay syempre, nandoon ako sa pagpapayo sana kay President Noy na hangga't maaga, ay mabitawan na niya ang paninigarilyo alang-alang sa sarili niyang kalusugan. Tungkol naman sa paghawak ng baril, ang anumang batas na mas ma-istrikto sana nating ma-iregula ang paghawak ng baril, ay dapat pantay na aplikasyon sa lahat - ordinaryong mamamayan man o pangulo ng ating republika.
FOLLOW UP QUESTION FROM MALOU MANGAHAS:
Ang Akbayan party niyo raw ay sipsip o dikit o napapaboran nang sobra-sobra ng Aquino administration, totoo po ba 'to?
FOLLOW UP QUESTION AS DISPLAYED ON THE ON-SCREEN GRAPHICS:
Ang Akbayan Party daw ay napapaboran nang sobra-sobra ng Aquino administration, totoo ba ito?
RISA HONTIVEROS:
Hindi po totoo yan. Hindi kami sumisipsip sa Aquino administration. Ako po ay sumusuporta kay President Noy dahil sa kanyang reform agenda sa laban para sa matuwid na daan sa laban para sa isang magandang kinabukasan. Hindi rin kami sobrang pinapaboran, yung ilang mga kasama naming na-appoint ni President Noy sa kanyang administrasyon ay bilang pagkilala sa kanilang personal na kakayahan at palagay ko, may responsibildad ang pangulo i-appoint ang mga taong tingin niya ay bagay sa kanilang mga tungkulin lalo na sa mga reform agenda.
CANDIDATE: ERNESTO MACEDA
PANELIST: HOWIE SEVERINO
QUESTION FROM HOWIE SEVERINO FOR ERNESTO MACEDA:
Isa kayo sa iilang pulitiko na pumirma sa isang covenant against media corruption at nangako kayo na hindi kayo magbibigay ng suhol sa mga media practitioners. Para sa inyo, gaano ba ka-corrupt ang media na kailangan pang magkaroon ng covenant na pinirmahan ninyo?
QUESTION AS DISPLAYED ON THE ON-SCREEN GRAPHICS:
Para sa inyo, gaano ba ka-corrupt ang media na kailangan pang magkaroon ng covenant na pinirmahan ninyo?
ERNESTO MACEDA:
Well ako'y natutuwa na taga-media na ang nagsimula niyan, sila na ang nagsasabi na may corruption sa media at hindi naman natin maitatanggi. Hindi naman natin malalahat, sa aking karanasan sa aking public life, meron pag nagbigay ka, meron tumatanggap at meron namang 'di tumatanggap. So maraming situwasyon na dapat ihinto halimbawa ang mga news organization, whether print or media, or broadcast, ay wag mag-assign sa isang opisina ng isang reporter kung meron siyang kapatid, anak, o kamag-anak sa opisinang 'yun. Pangalawa, ang Office of the President ang alam ko may media (unintelligible) at dapat sila ang magbigay ng ehemplo na ihinto na 'yan.
FOLLOW UP QUESTION FROM HOWIE SEVERINO:
Tungkol naman po sa nagaganap na alitan ngayon sa Senado, nababahiran ng pagdududa ang paggamit ng pondo ng Senado. Sang-ayon ba kayo na magkaroon ng independent audit ng pondo ng Senado? Bakit o bakit hindi?
FOLLOW UP QUESTION AS DISPLAYED ON THE ON-SCREEN GRAPHICS:
Sang-ayon ba kayo na magkaroon ng independent audit ng pondo ng senado? Bakit o bakit hindi?
ERNESTO MACEDA:
Papayag po ako kung papayag ang COA dahil under the law, it's the COA that has the exclusive prerogative to audit. Ngunit magandang idea yan, yun nga lang medyo mahal siguro ang icha-charge kung makakakuha sila ng independent auditor who will do it probono eh di magandang mangyayari pero pwedeng gawin yan.
CANDIDATE: MITOS MAGSAYSAY
PANELIST: JESSICA SOHO
QUESTION FROM JESSICA SOHO FOR MITOS MAGSAYSAYSAY:
Ano po ang maisasagot niyo sa mga kumukwestyon sa kredebilidad ninyo as a candidate for senator ngayong sobra ho kayong na-associate sa dating pangulo?
QUESTION AS DISPLAYED ON THE ON-SCREEN GRAPHICS:
Ano ang masasabi mo sa mga kumukwestiyon sa kredibilidad mo bilang senatorial candidate dahil malapit ka sa dating pangulo?
MITOS MAGSAYSAY:
Well alam mo, hindi naman po dapat maging basehan ang association mo sa isang partido noong nakaraan para po sa inyong credibility bilang isang tatakbong senador. My track record in Congress and my performance in my district should be the one that will carry me through. Number one, naging most outstanding congressman po ako for six consecutive years, I got the highest award which is emeritus hall of fame awardee, I'm also the Deputy Minority Leader of the Lower House. My track record and performance in the Lower House will show that I have been a very active legislator I was hardly absent and I was always active in deliberating a lot of measures in the Lower House especially the committee hearings and also I was one of those who helped push a lot of legislation in the Lower House because I was either the co-author or principal of the measures. If you look at my track record, walang bahid-dungis ang pangalang Mitos Magsaysay. Doesn't matter kung sinong kaalyado mo noong nakaraan, ang importante kung ano ang ginawa mo, ikaw ba ay may dungis ang pangalan mo, malinis ba ang pangalan mo…
FOLLOW UP QUESTION FROM JESSICA SOHO:
Dalawa ho kayong Magsaysay na tumatakbo sa eleksyon na ito. Paano niyo ho ito dinadala, hindi ho ba kayo nahihirapan kasi although it could also be an asset pero medyo mahirap kasi paano niyo hahatiin yung boto para sa mga Magsaysay?
FOLLOW UP QUESTION AS DISPLAYED ON THE ON-SCREEN GRAPHICS:
Dalawa kayong Magsaysay na tumatakbo sa eleksyon. Hindi ba ito magiging problema sa pagkuha ng boto ninyo?
MITOS MAGSAYSAY:
Actualy hindi naman po kailangan maging isyu yan dahil under the automated elections, pwede ka bumoto ng dalawang Magsaysay kasi you can shade both names so para sa akin, merong sariling katangian si Mitos Magsaysay, may track record siya, may performance siya, outstanding siya, ganun din naman po yung kabilang Magsaysay. Kaya para sa akin bahala na po ang taumbayan kung gusto nilang tangkilikin ang dalawang Magsaysay na malinis po ang record ng pangalan namin siguro pwede naman pong mangyari yun kasi the automated elections doesn't prevent to vote for two Magsaysays.
CANDIDATE: JUN MAGSAYSAY
PANELIST: WINNIE MONSOD
QUESTION FROM WINNIE MONSOD FOR JUN MAGSAYSAY: Kayo po ay businessman before you went in to politics. Ayon dito sa mga datos na nakuha natin, for example in 2010, ang gastos po ng sambayanan para sa mga senador, hindi ng Senate itself but each senator's expenditures, ay umaabot sa P44 million per senator. Sa palagay niyo ba, sulit sa sambayanan ang gastusing ganito para sa mga senador?
QUESTION AS DISPLAYED ON THE ON-SCREEN GRAPHICS:
Sa palagay ninyo, sulit ba ang ginagastos ng sambayanan para sa mga senador?
JUN MAGSAYSAY:
Malaki yang budget per senator, Mareng Winnie. Ngunit ang isang senador, ay sa kanyang opisina, may at least 25 mga staff yan. Kung minsan meron pa yung mga anim na abogado. Kung minsan meron kaming mga oversight. So sa tingin ko tignan lang natin yung sinasabi na prudence in budget management. Kung talagang ang nakikita natin eh lumalaki ang bureaucracy ng Senado at ng pamahalaan, magkaroon tayo ng tinatawag na re-engineering the bureaucracy sapagkat ngayon yata almost P3 trillion budget ay kung pwede sigurong bawasan yung increases every year, at ilagay natin sa mga productive ventures na sinasabi ko kanina like yung Sovereign Wealth Fund, parang tema sa Singapore, eh baka pwede sa atin ang lahat ng mga yan.
FOLLOW UP QUESTION FROM WINNIE MONSOD:
Noong senador kayo, yung committee niyo mayroong report on the Fertilizer Fund Scam, kayo po ang nag-report tungkol sa Basilan siege at tsaka yung mga anomalya na nangyayari sa army. Walang epekto, hanggang ngayon wala pang naja-jail, wala pang nadi-dismiss, et cetera. How does that reflect on your effectiveness as a senator or as a legislator?
FOLLOW UP QUESTION AS DISPLAYED ON THE ON-SCREEN GRAPHICS:
Ang komite ninyo ang gumawa ng report sa Fertilizer Fund Scam, Basilan Siege at mga anomalya sa Philippine Army pero wala namang nangyari sa mga kaso. Hindi ba ito sumasalamin sa "effectiveness" ninyo?
JUN MAGSAYSAY:
Precisely. Kaya nga noong 27, hindi na ako pumasok. Pero noong nakita kong bago na ang liderato, nakita ko na napakahalaga ng leadership. Eh noong inimbitahan ako ng Liberal Party, sumang-ayon ako sapagkat yung liderato ay moral at may character at may direskyon sa tuwid na landas, mas maganda mag-legislate sapagkat wala tayong mga tinatawag na hidden agenda.
CANDIDATE: RICARDO PENSON
PANELIST: MALOU MANGAHAS
QUESTION FROM MALOU MANGAHAS FOR RICARDO PENSON:
Kayo po ay may krusada kontra political dynasty pero ang obserbasyon. Ang obserbasyon ng ilan,yung mga bagong kanditato, bukod sa kapos sa karanasan, baka naman daw kaso na tinimbang ngunit kulang. Sabi niyo po yung mga political clan ay galit sa kapangyarihan, sabi naman ng ilan, yung mga bagong kandidato, hindi naman po lahat, eh parang nangangarap nang gising. Ano po tingin niyo doon?
QUESTION AS DISPLAYED ON THE ON-SCREEN GRAPHICS:
Ikaw ay may krusada kontra political dynasty, pero ang obserbasyon ng ilan sa mga bagong kandidato ay kapos sa karanasan. Ano ang tingin mo rito?
RICARDO PENSON:
Reality check 'to. Yung sa karanasan, siguro ako po'y nagsilbi na rin sa ating pamhalaan noong unang Aquino administration at hindi naman po tayo nagkulang doon. Bumalik ako sa pribadong sektor ngunit doon sa pagsama namin sa pribadong sektor, sinimulan na namin ang krusada kontra dynasty sapagkat yung mga tinulungan namin noong 1987 Constitutional Convention na isali itong probisong ito sa ating Saligang Batas at pinabayaan natin sa Kongreso na they failed hte people in enabling an impementing law on this particular provision needed help so we put up the krusada kontra dynasty. Ngunit ang pagtakbo ay wala talaga sa plano ngunit nong ang administrasyon at ang posisyon, hindi makabuo ng slate ng 12, kailangan na sigurong sumama kami. Tama na yung "Tayo-tayo na lang."
FOLLOW UP QUESTION FROM MALOU MANGAHAS:
Kayo po ay chairman at CEO ng AusPhil Tollways Corporation na may kontrata na magbuo ng isang elevated highway mula Balara hanggang Nueva Ecija. Una, ito po ba ay kontrata sa gobyerno at, hindi po kaya, pag kayo'y magiging senador, ay maging potensyal na conflict of interest situation?
FOLLOW UP QUESTION AS DISPLAYED ON THE ON-SCREEN GRAPHICS:
Kayo ay chairman at CEO ng Ausphil Tollways Corporation na may kontrata na bumuo ng isang elevated highway mula Balara hanggang Nueva Ecija, hindi kaya conflict of interest ito kung kayo ay maging senador?
RICARDO PENSON:
Opo, ito po ay sinimulan namin noong 1997 pa noong panahon ni Erap. It took us 13 years to get the approval. Itong proyekto na 'to ang unang binanggit ni Pangulong Aquino sa kanyang unang SONA. Ngunit after three years, wala pa rin kaming notice to proceed. Ako'y nagpapasalamat na lang sa San Miguel na pumasok sila sa aming kumpanya at yung aming Australyanong ka-partner umatras na sa tagal ng proseso.
CANDIDATE: MIGUEL 'MIGZ' ZUBIRI
PANELIST: HOWIE SEVERINO
QUESTION FROM HOWIE SEVERINO FOR MIGUEL ZUBIRI:
Ayon sa survey, pumapalo kayo ngayon bandang number 12 o 13 sa winnability. Ang mga ranggo rin na yan ang pinaka naapektuhan ng dayaan sa halalan. Ano yung gagawin ninyo o yung pwede niyong gawin para siguraduhing hindi mauulit yung dayaang nangyari sa mga nakaraang halalan?
QUESTION AS DISPLAYED ON THE ON-SCREEN GRAPHICS:
Ano ang puwede ninyong gawin para masigurong hindi na mauulit ang mga dayaan sa halalan?
MIGUEL ZUBIRI:
Alam mo, Howie, galing po ako sa 2007 elections. 'Yan po ang pinakahuli nating manu-manong halalan. Wag na po tayong bumalik sa manu-mano, please lang po. Wag na po tayo bumalik diyan dahil napakarumi. Sa precinct level lang pwede nang ibahin yung score. Pagdating sa municipal level papalitan ulit, pagdating sa provincial level papalitan muli, at kaya po ako sumangayon na dagdagan po ang pondo ng 2010 elections for automation. At isa po akong sumulong niyan bilang majority floor leader at pinasa po namin almost 14 billion para po magkaroon ng kaibahan ang ating halalan. Dito sa automated elections, mabilis po natin malalaman kung panalo ka ba o natalo. Dito, wala nang tinatawag na human intervention. Paglagay po ng inyong balota, mabibilang kaagad yan at hindi na po mapapalitan yan kaya po ako'y may malaking paniniwala dito sa automated elections na magiging patas lahat at magiging transparent, of course fair, clean, at honest elections.
FOLLOW UP QUESTION FROM HOWIE SEVERINO:
Marami namang IT experts ang nagsasabi na vulnerable din yung automated system sa cheating. So naniniwala ba kayo na vulnerable din yung automated systems? At ano naman yung pwedeng gawin para magkaroon ng safeguards yung ating automated systems?
FOLLOW UP QUESTION AS DISPLAYED ON THE ON-SCREEN GRAPHICS:
Vulnerable din daw ang automated system sa pandaraya. Ano ang puwedeng gawin para magkaroon ng safeguards ang ating automated system?
MIGUEL ZUBIRI:
Marami po tayong kaibigang election lawyers. Ang sabi po nila, baka tayo'y minani-obra. May mga probinsya daw na na-"Hocus PCOS." Pero noong kinausap ko po lahat ng election officers - Romula Macalinta, Jojo Sia, at iba-iba pang election officers, noong binuksan po nila yung mga itong machines na ito, tugma po ang resulta. Kaya ako'y malaking paniniwala na dito sa sistemang ito. Maganda. Pero syempre meron pong posibleng sa susunod na mga ilang taon, mangyari po yun.
CANDIDATE: SAMSON ALCANTARA
PANELIST: JESSICA SOHO
QUESTION FROM JESSICA SOHO TO SAMSON ALCANTARA:
Atty. Alcantara, ngayon lang po kayo pumasok sa pulitika, ngayon lang po kayo tumakbo. Ano po ang katiyakan sa inyo pong sarili na may tsansa po kayo?
QUESTION AS DISPLAYED ON THE ON-SCREEN GRAPHICS:
Ngayon lang kayo tatakbo sa Senado. Ano ang katiyakan niyo na may tsansa kayong manalo?
SAMSON ALCANTARA:
Sa tingin ko po kasi panahon na na magkakaroon ng mga bagong alternatibo sa Senado gaya ko. Gaya ko, iyong partido ko napakaliit, ang Social Justice Society. Walang pondo iyan pero ako I’m confident na ang mga tao ngayon hindi lang iyong maraming pera, o maraming commercial, o kaya anak ng pulitiko na kilalang-kilala ang iboboto nila. Tingin ko po ngayon, puwede akong magkampanya sa Facebook o sa Twitter. Kaya i-like niyo na ako sa aking Facebook, Samson Alcantara, saka follow me on Twitter, Samson Alcantara. Meron din akong website. Panahon na ho ngayon ng social media. Sa tingin ko po, mayroon ng pag-asa ang mga kandidatong gaya ko ang liit na party. Saka ako naga-appeal sa aking mga estudyante. Nagkalat na kayo...
FOLLOW-UP QUESTION FROM JESSICA SOHO:
Follow-up question po, Atty. Alcantara. Sabi niyo ho sa Facebook at sa Twitter lang kayo mangangampanya pero maski papaano po pagka-kandidato ay kailangan po ng pera. May nakalaang pondo ba kayo para sa inyong kandidatura?
FOLLOW UP QUESTION AS DISPLAYED ON THE ON-SCREEN GRAPHICS:
May nakalaang pondo ba kayo para sa inyong kandidatura?
SAMSON ALCANTARA:
Wala po. Kaya lang ako ay umaasa na ang aking mga estudyante tulungan ako. Ako ay nagtuturo for the past 45 years sa law schools. Lahat na kayo, ia-address ko na kayo mga estudyante ko, iyong mga matataas na iyong posisyon sa gobyerno—mga congressmen, mga justices, mga judges, mga practicing lawyers— tulungan niyo ako. Kalimutan niyo na mga low grades na ibinigay ko sa inyo. Upang magkaroon...
CANDIDATE: BAM AQUINO
PANELIST: WINNIE MONSOD
QUESTION FROM WINNIE MONSOD TO BAM AQUINO:
Bam, just to lay to rest yung speculation ng iba na kaya kayo napili sa Liberal Party list is because of your name. Pakisabi niyo nga sa ating mga Kapuso kung ang qualifications niyo po that you think make you superior or a far better choice than say, a Liberal Party stalwart like Congressman Tañada who has been a congressman for 9 years and a Liberal Party member for probably longer? Pakisabi niyo nga.
QUESTION AS DISPLAYED ON THE ON-SCREEN GRAPHICS:
Ano ang inyong kwalipikasyon bilang kandidato ng Liberal Party kumpara sa ibang miyembro ng Liberal Party na mas matagal na sa serbisyo?
BAM AQUINO:
Maraming salamat, Mareng Winnie. Unang-una po sa lahat, tingin ko naman po ay hindi ako superior sa ibang mga kandidato. Lahat lang po kami ay may kanya-kanyang dala sa slate na ito. Dala-dala ko po, unang-una, ang pagiging chairman ng National Youth Commission ng ilang taon. Alam niyo po napakalaking sektor ng kabataan ng ating bayan kaya nararapat lang siguro na mayroong representante ng kabataan sa Senado. At pangalawa po ang ating pagtatrabaho sa maliliit na komunidad kasama ng mga cooperatives, micro-finance institutions at mga NGOs. Itong ganitong klaseng experience po na nagtrabaho ka mismo sa mahihirap na komunidad, tumutulong sa mga kababayan natin na mapalago ang kanilang maliliit na negosyo ay hindi rin po iyong pangkaraniwang karanasan. I’m hoping po na 'yung pagiging social entrepreneur po natin ang pagiging head ng National Youth Commission ay mga bagay-bagay na puwedeng dalhin sa Senado at doon po, maging representative hindi lang po ng kabataan kundi rin po ng mga mahihirap nating kababayan na gustong magnegosyo sa ating bayan.
FOLLOW UP QUESTION FROM WINNIE MONSOD:
Ang taong-bayan ay talagang sick and tired na of this pork barrel business at saka yung pangungurakot ng ating mga officials. Kapag kayo ay maging senador, would you come out with a bill that would prevent or forbid pork barrel?
FOLLOW UP QUESTION AS DISPLAYED ON THE ON-SCREEN GRAPHICS:
Kung kayo ay maluklok bilang senador, kayo ba’y magmumungkahi ng batas para maibasura ang pork barrel?
BAM AQUINO:
Well, hindi po ako in favor of taking out the pork barrel. Kung tutuusin po kung tatanggalin po ang pork barrel, sasang-ayon tayo doon. Pero kung nandiyan po iyan, puwede pong magamit ang pork barrel sa magagandang proyekto at sa mga magagandang pilot projects na eventually puwede nating gawing lehislatura. Sa private sector po, mga NGO, napaka-kaunting pera lang ang kailangan nila para makagawa ng kabutihan at doon po natin ilalaan ito, sa paggamit nang tama, at sa paggamit po nang tapat sa ating bayan.
CANDIDATE: TEDDY CASIÑO
PANELIST: MALOU MANGAHAS
QUESTION FROM MALOU MANGAHAS TO TEDDY CASIÑO:
Ginoong Casiño, namumutiktik sa mga polyeto at sa Facebook ninyo ang mga salitang "real force of change," "genuine agrarian reform," "truly independent foreigh policy," at ayaw ninyo ang rotten politics of patronage, guns, goons, and gold. Pero tila malabo ang inyong posisyon, ulit po, sa pork barrel kasi hindi ho namin makita dahil ang nasa record mula 2009 P110-M ang nakuha ninyong pork barrel at ang partido ninyo P669-M. Ang pork barrel politics niyo po ba ay gagawin kayong “force of real change” or realpolitik?
QUESTION AS DISPLAYED ON THE ON-SCREEN GRAPHICS:
Akma ba sa hangarin niyong maging “force of real change” ang pagtanggap ninyo ng pork barrel?
TEDDY CASIÑO:
Alam niyo po ang Bayan Muna has never involved in the politics of pork barrel. Sa katunayan, kami lang ang partido na 5 taon hindi binigyan ng pork barrel ng Pangulong Arroyo dahil nga hindi kami naglalaro sa pork barrel politics. At ngayon ho, buong 2012, hindi po ni-release-an ang aking opisina ng any pork barrel dahil nga hindi tayo nakikipaglaro. Ang problema po namin diyan sa Kongreso bawat taon, ina-allot ang P70 million for each congressman. Ang tanong diyan, anong gagawin natin ngayon diyan? Ang ginawa namin, inilagay namin sa mga ospital. Halos lahat napunta sa ospital. Ayaw namin na bawat proyekto ay dadaan sa discretion at kung anu-anong supplier ang kakausapin. Ngayon, kung pupuwede at ito ay ipa-file po natin kapag ako ay magiging senador, ay ia-abolish po natin ang pork barrel. Mas gusto natin na kung mayroon man ng mga proyekto sa distrito, ito ay iligay na sa general appropriations acts at mapag-usapan nang detalye. Line item budgeting.
FOLLOW UP QUESTION FROM MALOU MANGAHAS
Sa madalas hong nadidinig sa inyo ng mga tao parang galit kayo, medyo masungit kayo palagi sa gobyerno, ma-Arroyo o Aquino man iyan. Wala ho ba kayong masasabi, para maiba naman, na maganda o mahusay o naayos sa nangyayari ngayon sa pamahalan at bayan?
FOLLOW UP QUESTION AS DISPLAYED ON THE ON-SCREEN GRAPHICS:
Wala ba kayong masabing maganda o mahusay sa nangyayari sa pamahalan?
TEDDY CASIÑO:
Alam niyo po ang papel namin sa buhay ay itulak ang mga reporma sa lipunan at kadalasan sa pagtutulak ng mga solusyon, kailangan ipakita muna natin ang problema. Hindi naman ito personalan sa kung sino ang nakaupo, ang problema po natin ay ang sistema mismo. Kailangan natin baguhin ang sistema kaya madalas parang lahat administrasyon ay tinututulan namin dahil pareho naman ang sistema. Hindi naman nagbago ang sistema, nagbago lamang ang mukha ng mga nasa puwesto.
CANDIDATE: TINGTING COJUANGCO
PANELIST: HOWIE SEVERINO
QUESTION FROM HOWIE SEVERINO TO TINGTING COJUANGCO:
Governor Cojuangco, mahaba na po ang inyong karanasan sa Mindanao at may interest po kayo sa mga komunidad na Muslim. Ano naman po ang masasabi ninyo sa mga Kristiyano sa Mindanao na nangangamba kung ano yung mga posibleng mangyari sa ilalim ng isang Bangsamoro political entity?
QUESTION AS DISPLAYED ON THE ON-SCREEN GRAPHICS:
Ano ang inyong plano para sa mga Kristiyano sa Mindanao na nangangamba sa mga posibleng mangyari sa ilalim ng isang Bangsamoro political entity?
TINGTING COJUANGCO:
The Christians are very apprehensive, naturally, towards the Lumads that they should get a fair treatment and be part of the Bangsamoro Law. I think that sometimes they worry that their lands that have been titled may be removed from them, sapagkat the Bangsamoro territory that they desire may now encroach on their property that they titled. It is necessary to assuage their feelings; that they should not worry because the government should be just and give them their proper share. Many years ago, the Christians and Muslims would stop at 6 o’clock to say a prayer together but all that has changed during the administration of Martial Law. Then so much animosity had begun. All these apprehensions and fears can be settled when they have a representative as part of the Bangsamoro Law.
FOLLOW UP QUESTION FROM HOWIE SEVERINO:
Follow-up question lang po. Just briefly, ano po ang assessment niyo sa performance ng inyong pamangkin na si Pangulong Noynoy Aquino? At bakit kayo nasa koalisyon ng kanyang mga kalaban?
FOLLOW UP QUESTION AS DISPLAYED ON THE ON-SCREEN GRAPHICS:
Ano po ang inyong assessment sa performance ng inyong pamangkin na si Pangulong Noynoy Aquino? Bakit kayo kabilang sa koalisyon ng kanyang mga kalaban?
TINGTING COJUANGCO:
Noynoy is a very trustworthy man and the family to us is very important. That’s why in political dynasties, we’d like to protect each other and have those that can serve in our family continue to serve. As I said, if I could employ any of my children, I would. But Noynoy now cannot take me so my assessment is that he is trying to curb corruption. Now I'm with UNA because, actually, we have always been PDP-Laban. When the Liberals refused to support Ninoy in 1978 we were...(gets cut off due to 30 second time limit)
CANDIDATE: LITO DAVID
PANELIST: JESSICA SOHO
QUESTION FROM JESSICA SOHO TO LITO DAVID:
Ginoong David, kanina po sa una ninyong pagsubok sabi ninyo galit kayo sa pork barrel at ito ang gagawin ninyong platform sa inyong kandidatura. Pero nagulat po ako noong makita sa inyong resume na dati pala kayong nanilbihan sa isang senador. May nagawa ba kayo noon, I suppose you were in a very good position then, to counter pork barrel because you were in the staff of one of the senators? May nagawa po ba kayo noon?
QUESTION AS DISPLAYED ON THE ON-SCREEN GRAPHICS:
May nagawa ba kayo noon para kontrahin ang pagpapatupad ng pork barrel?
LITO DAVID:
Ako po ay isang naglilingkod lamang sa isang principal na senator. I just had to follow kung ano 'yung kanyang naisin doon sa pribelehiyong naibigay sa kanya. Pero nandodoon naman po parati ang aking pagsasabi sa aking principal na dapat nating ayusin ang paggamit nito dahil ito, hindi naman natin ito pera kundi pera ng sambayanan. Marami po doon sa mga pera na iyon ay napunta sa mga ospital, sa DSWD, doon sa pagbibigay ng tulong sa mga binabaha. Marami din po diyan ay naipatayo ng mga development projects na nakatulong sa agrikultura at sa pamumuhay ng ating mga maliliit na magsasaka at manggagagawa.
FOLLOW UP FROM JESSICA SOHO:
Tumako na po kayo noong eleksyon 2010 and hindi po kayo pinalad. Ngayon, tatakbo ulit kayo. Paano kayo nakasisiguro na mananalo kayo this time?
FOLLOW UP QUESTION AS DISPLAYED ON THE ON-SCREEN GRAPHICS:
Paano kayo nakasisiguro na mananalo kayo ngayong taon matapos matalo sa kandidatura noong eleksyon 2010?
LITO DAVID:
Alam niyo 'yung pagpanalo bonus na iyon para sa akin. Ang importante sa amin sa ginagawa namin ngayon ay isang misyon. Ang aming mensahe na ipinapaabot sa ating mga kababayan mas importante po iyon. Kung kami po ay matatalo ngunit 'yung aming misyon, ay 'yung aming mensahe, ay tumanim sa puso bawat isa kami po ay nanalo na.
CANDIDATE: JV EJERCITO
PANELIST: WINNIE MONSOD
QUESTION FROM WINNIE MONSOD TO JV EJERCITO:
JV, alam niyo, ayon sa isang saliksik na ginawa ng taga-Ateneo, La Salle, at AIM, ang mga kongresista po na miyembro ng political dynasty ay mas mayaman, substantially richer in wealth and networth than sa mga kongresista na hindi political dynasty. Ang explanation daw nito is kasi kapag nasa puwesto na kayo at mayroon na kayong pork barrel, mayroon na kayng kung anu-ano diyaan na magagamit para sa elections, then it becomes a family business, and then everybody gets richer and gets stronger in politics. Ano po ang masasabi ninyo tungkol sa ganitong klaseng finding? Kayo ba ay kasama roon o you are an exception to the rule?
QUESTION AS DISPLAYED ON THE ON-SCREEN GRAPHICS:
Ano po ang inyong posisyon ukol sa saliksik na ang mga kongresistang mula sa political dynasty ay mas mayaman kaysa sa mga ‘di kabilang sa political dynasty?
JV EJERCITO:
Sa tingin ko, Mareng Winnie, may dalawang uri ang dynasty. Mayroong good at mayroong bad. ‘Yung panahong mayroong bad dynasty na gumagamit ng coercion, pananakot, guns, goons, and gold ay sa palagay ko nakalipas na po iyon. Sa ngayon ang ginagamit ay ang ibinebenta mo ang sarili mo, may mga nagpapapogi pa, at ipinapaliwanag mo ang plataporma mo. Medyo iba na rin ang panahon ngayon with the influx of young voters. Hindi na sapat 'yung may pangalan ka lamang, although admittedly malaking bagay 'yung may pangalan as an entry point pero sa ngayon ay sinusuri nang maigi ng mga kabataan at electorate ang credentials, track record, at performance. At sa tingin ko marami na ring mga dynasties ang nakita ko sa mga probinsaya na kapag walang performance ay nakaranas sila ng pagkatalo. Pero sa ngayon, kailangan na mapatunayan mo na ikaw ay may kakayanan, may magagawa at ikaw ay may performance na maibibigay sa taong-bayan.
FOLLOW UP FROM WINNIE MONSOD:
Kung hindi importante ang pangala, bakit pinalitan ninyo ang pangalan ninyo para sa Senado na JV Estrada na lang? Ano kaya iyon?
FOLLOW UP QUESTION AS DISPLAYED ON THE ON-SCREEN GRAPHICS:
Kung hindi importante ang pangalan para manalo sa eleksyon, bakit niyo ginagamit ang apelyidong “Estrada?”
JV EJERCITO:
Importante po. Sa tingin ko naman as an entry point malaking bagay ang pangalan. Malaking advantage sa recall. Pero sa aking palagay at gaya nang nabanggit ko, kalahati noon ay hard work at kinakailangan maipakita mo ang iyong magagawa at ang nagawa na. Sa ngayon naman ang aking pagpapapalit ng pangalan ay dahil sa probinsya, kilala ang Estrada at sayang din naman po. Kaya kung JV Ejercito-Estrada, ako naman po iyon. Hindi mo puwedeng sabihin si ERAP iyon.
CANDIDATE: BALDOMERO FALCONE
PANELIST: MALOU MANGAHAS
QUESTION FROM MALOU MANGAHAS TO BALDOMERO FALCONE:
Ginoong Falcone, ang sabi ninyo may personal research kayo at ito ang personal crusade ninyo na labanan ang "Philippine poverty that is only artificially made, knowing how to uncover and remedy this artificially created mischief." Medyo makabagong ideya ito. Hindi ko alam kung gusto ninyong ipaliwanag. Biro-biro ho ba, gawa-gawa, o haka-haka lang ba na tayo’y naghihirap na bansa?
QUESTION AS DISPLAYED ON THE ON-SCREEN GRAPHICS:
Biro-biro o haka-haka lang ba na tayo’y isang naghihirap na bansa?
BALDOMERO FALCONE:
As a matter of fact, research shows that the money supply in the country is only 12% in relation to the GDP. Now in the more progressive nations around us, it is usually 30% so we have to ask the question, “Bakit ganito?” And we are going to find out that the monetary board that controls the money supply of the country is controlled by the owners of the commercial banks and universal banks, and these are only the oligarch families. So we have to come up with situations where ordinary businessmen can access these trust funds. For example, it has been reported by the Central Bank that the total trust funds is 3-trillions already. 3-trillions. But the ordinary FIlipino cannot access this. It’s only the rich, the few, and the powerful who can access this.
FOLLOW UP FROM MALOU MANGAHAS:
Follow-up ko po. Kanina sinabi ninyo kung kayo ay papalaring mahalal, gusto niyo po sanang mamuno sa committee on housing sa Senado. Nag-research po ako. 39 committees ang Senate at walang committee on housing pa. Mayroon po committee on health, mga ganoon. Pero para ho sa inyong plataporma matindi ang inyong pagkalinga sa mga mahihirap. Kanina po yung inyong banking, binasa ko po iyon, yung mga trust receipts na gusto niyong makapagpondo ng livelihood o housing projects, di po kaya hindi mambabatas, baka po charity work o public service o mag-Bangko Sentral governor ang parang ang naaayon sa inyong kakayahan?
FOLLOW UP QUESTION AS DISPLAYED ON THE ON-SCREEN GRAPHICS:
Di ba mas naaayon sa charity work at hindi mambabatas ang naaayon sa inyong kakayahan?
BALDOMERO FALCONE:
I have one ability, modesty aside, modesty aside, which no other candidates have. I know have to securitize. When you securitize you have a project together with the trust department of a bank that can float global bonds and access the trust money not only in the country, but even abroad. This is the kind of money that you can bring to the provinces, to the cities. And make our administrators not...(gets cut off due to 30 second time limit)
CANDIDATE: MARWIL LLASOS
PANELIST: HOWIE SEVERINO
QUESTION FROM HOWIE SEVERINO TO MARWIL LLASOS:
Magandang hapon po. Ang inyong Kapatiran Party ay kaalyado ng Simbahan sa pagtutol sa RH Bill. Sumasang-ayon ba kayo sa pananaw ng ibang Anti-RH na ang mga pro-RH na propesor ay huwag dapat magturo sa Catholic universities?
QUESTION AS DISPLAYED ON THE ON-SCREEN GRAPHICS:
Sang-ayon ba kayo na ang pro-RH na propesor ay ‘di dapat magturo sa Catholic universities?
MARWIL LLASOS:
Alam mo una sa lahat, isyu iyan na tinatawag nating academic freedom. Kapag ikaw ay isang propesor sa isang Katolikong institusyon, naturalmente, as a Catholic institution, dapat i-respeto ang academic freedom ng institusyon na iyan. Kaya talaganag halimbawa, kapag sa Ateneo, dapat ituro 'yung Catholic education. Ganoon din sa La Salle. Walang pinagkaiba. Kung sa New Era University ka nag-aaral, alangan naman banggain mo 'yung aral ng Iglesia ni Kristo. Para sa akin ganoon lang iyon because academic freedom encompasses not only the right of the faculty member to teach but also of the institution to determine the courses to be taught and how it should be taught. Iyon po ang aking isyu diyan — academic freedom.
FOLLOW UP FROM HOWIE SEVERINO:
Follow up question lang po. Ano tingin niyo sa gay marriage at susuporta ba kayo sa isang panukala na magli-legalize sa mga same-sex union?
FOLLOW UP QUESTION AS DISPLAYED ON THE ON-SCREEN GRAPHICS:
Sumusuporta ba kayo sa pag-legalize ng mga same-sex union?
MARWIL LLASOS:
Ako po ay tumatayo ayon sa plataporma ng Ang Kapatiran Party hindi po ako sumasang-ayon sa same-sex marriage o gay marriage. Kasi una po sa lahat, napakalinaw ng ating family code na marriage is between a man and a woman. At ganoon din po ang pananampalataya ng ating mga Pilipino, hindi lamang ng mga Katoliko, maging ang ibang Kristiyano. At maging ang sektor ng LGBT hindi sila unanimous kung gusto nila. Pero ako, sinasabi ko na wala akong laban o away doon sa...(gets cut off due to 30 second time limit)
CANDIDATE: RAMON MONTAÑO
PANELIST: JESSICA SOHO
QUESTION FROM JESSICA SOHO TO RAMON MONTAÑO:
General, pasensya na po ako at tatanungin ko kayo. Alam ko po na wala kayong boses pero ito ang inyong pagsubok mula sa akin. Mula po noong kayo ay nagretiro sa PCINP, kung tama ho ang aking tanda, na ngayon ay PNP na ay iyon pa rin ang problema ng ating mga pulis. May corruption sa organisasyon. May pulis mismo na sangkot sa mga krimen at hanggang ngayon pinag-uusapan pa rin kung shoot-out ba o rob-out ba ang mga nangyayari. Ano po sa palagay ninyo ang dapat gawin para gumanda naman ang pamamalakad ng PNP at gumanda rin ang imahe ng pulis?
QUESTION AS DISPLAYED ON THE ON-SCREEN GRAPHICS:
Ano ang dapat gawin para gumanda ang pamamalakad ng PNP at imahe ng pulis?
RAMON MONTAÑO:
Gagawin po natin, lalo na ako, pupunta ako sa Senado, re-review-hin natin, ang mga laws regarding the police force kagaya nitong governing laws ngayon. Alam mo ang intensyon of the law before was really to isolate the police force from politics. However, the implementing law gave the power of appointing chiefs of police and provincial directors to governors and to mayors. The chief of police is no longer independent nor given real authority to enforce the law because there will be intervention from politicians.
FOLLOW UP FROM JESSICA SOHO:
Follow up lang po. Alam ko po na hindi ito ang inyong unang pagkakataon na kayo ay tumakbo for Senator. Bakit sa palagay ninyo ay kailangan ninyong tumakbong muli at sa palagay ninyo ba ay mananalo na kayo?
FOLLOW UP QUESTION AS DISPLAYED ON THE ON-SCREEN GRAPHICS:
Bakit sa palagay ninyo ay kailangan ninyong tumakbong muli at sa palagay ninyo ba ay mananalo na kayo?
RAMON MONTAÑO:
Kasi I’ve been serving people all my life, fighting for our countrymen, our people. And I think I can still fight for my own advocacy in the improvement of our law enforcement community by running for Senate. Now as far as winning is concerned, I think I have to do more work and carry my message to the grassroots mismo, not to the politicians.
CANDIDATE: KOKO PIMENTEL
PANELIST: WINNIE MONSOD
QUESTION FROM WINNIE MONSOD TO KOKO PIMENTEL:
Senator Pimentel, kayo po ay nadaya nang apat na taon sa pagserbisyo sa Senado at kayo rin po ay isa sa mga nag-organize ng PDP-Laban. At alam ko pinaghirapan ninyo ang mga prinsipyo at plataporma ng PDP-Laban. And then ang PDP-Laban ay nag-imbita po ng tao na sa palagay ninyo ay nangdaya sa inyo. Hindi kayo pinakinggan. Inimbita pa rin siya kaya kayo umalis diyaan. Pero ang tanong ko, ano po ang mensahe nito sa mga Pilipino tungkol sa mga partido at saka sa political system sa Pilipinas? Ang ibig-sabihin ba nito is politics in the Pilipinas is really a politics of personalities rather than a politics of ideology and party?
QUESTION AS DISPLAYED ON THE ON-SCREEN GRAPHICS:
Ang politics ba sa Pilipinas ay politics of personalities at hindi politics of ideology and party?
KOKO PIMENTEL:
Salamat po sa tanong, Tita Winnie, Tama po iyon. Ganoon ang nakita kong nangyayari na ang pulitika ba, na ang desisyon ba ng leaders ng political parties ay titignan lamang yung ilang boto ang madadala ng taong iyan sa eleksyon? Kakalimutan na ba ang prinsipyo o ang mga values na pinaghirapan ng isang partido? Kaya iyon po ang naging reaksyon ko. Actually ako po ay umalis sa coalition na sinalihan ng aking political party pero ayaw kong umalis sa political party ko kasi isang standard na gusto kong ipakita sa taong-bayan na hindi patalon-talon ng political party. Ang gusto ko po sanang mangyari ay dito na mag-umpisa at dito na rin magwakas ang aking political career sa political party ko na PDP-Laban. So hindi ko po iniwan ang party ko.
FOLLOW UP FROM WINNIE MONSOD:
Follow up question. Ang mga party list representatives, kung nagpalit sila ng party, kailangan silang mag-resign sa Kongreso. Kapag nahalal kayo ulit, ano po ang inyong balak to make sure hindi masyadong magkakaroon ng political butterflies sa mga kongresista at senador? Mayroon po ba kayong balak?
FOLLOW UP QUESTION AS DISPLAYED ON THE ON-SCREEN GRAPHICS:
Anong plano mo para masigurong hindi magkakaroon ng mambabatas na political butterflies?
Political party reform na po iyan. Sa party list, marami tayong balak. Sa electoral reform, marami tayong balak. Pero pagdating sa political parties, kung turncoatism po ang inyong tinutukoy, puwede po nating gawin na pagbawalan ang paglipat-lipat ng isang politiko. Siguro within a certain period of time. Six months before an election hindi kikilalanin ang kanyang paglipat sa partido. So in effect, kung tatakbo man po siya, magiging independent po. And under the law...(gets cut off due to 30 second time limit)
CANDIDATE: GRACE POE
PANELIST: MALOU MANGAHAS
QUESTION FROM MALOU MANGAHAS TO GRACE POE:
Ms. Poe, good evening po. Sa mga political ads ninyo po, kasama ang ala-ala ng inyong ama na si Fernando Poe, Jr. at liban sa MTRCB, tila kakaunti pa ang inyong karanasan sa government service. May mga nagsasabi po na mukhang nauuna 'yung hatak o pagsakay sa kasikatan ng iyong ama kaysa sa pag-aalok ninyo ng inyong sariling kakayanan para maging senador?
QUESTION AS DISPLAYED ON THE ON-SCREEN GRAPHICS:
May mga nagsasabi na mukhang nauuna 'yung hatak o pagsakay sa kasikatan ng iyong ama kaysa sa pag-aalok ninyo ng inyong sariling kakayahan para maging senador?
GRACE POE:
Magandang gabi po, Ms. Mangahas. Unang una po, nais ko pong sabihin na totoo po na ang katanyagang at pagmamahal ng mga tao para sa aking ama ay malaking dahilan kaya nais ko ring ipagpatuloy ang mga adhikain niya at mga naging pangarap. Ngayon, tungkol sa karanasan, totoo na 2 taon lamang ako nakapagsilbi sa gobyerno ngunit ang 2 taon na iyon ay malaman at marami po tayong nagawa sa ating ahensya na nakatulong sa industriya at sa mga manonood din. Ako po ay isang nanay, ako po ay isang maybahay. Lahat po ng aking karanasan sa tahanan ay isang dahilan din kung bakit nais kong isulong ang mga iba’t ibang batas na makakatulong sa pamilya. Ako rin ay nagtrabaho sa maraming pribadong sektor sa Amerika at dito po, at ako po ay nag-aral sa agham ng political science o nga pulitiko, at sa tingin ko naman po ito ay makakatulong maliban din sa pangalan.
FOLLOW UP FROM MALOU MANGAHAS:
Follow up po, ma'am. Kayo po ay kandidato ng Liberal Party Coalition ni Presidente Aquino at United Nationalist Alliance ni Vice President Binay. Kung kayo po ay palarin at maupo sa Senado, magiging administration o opposition senator ba kayo? Sino ang mas mahal ninyo? Parang torn between two lovers kayo? O namamangka sa dalawang ilog?
FOLLOW UP QUESTION AS DISPLAYED ON THE ON-SCREEN GRAPHICS:
Kung kayo’y magiging Senador, magiging opposition o administration senator ba kayo?
GRACE POE:
Hindi po totoo iyan. Hindi po ako namamangka sa dalawang ilog. Masasabi ko lang po na ako ay isang independent candidate pero totoo po na ang pangulo ang unang una nag-imbita sa akin na sumama sa pagtakbo sa Senado. Marahil hindi po ako inimbitahan ng aking ninong sapagkat mayroon po akong pwesto sa gobyerno. Gayunpaman, pagpasok ko sa Sendao, kung ako ay papalarin, bilang isang independent candidate, pero iisipin kong mabuti kung anong makakabuting partido ang magiging kaalyado.
CANDIDATE: CHRISTIAN SEÑERES
PANELIST: HOWIE SEVERINO
QUESTION FROM HOWIE SEVERINO TO CHRISTIAN SEÑERES:
Ginoong Señeres, naging Vice Chair kayo ng Comittee ng Foreign Affairs sa House of Representatives. Naniniwala ba kayo sa paggamit ng pondo ng pamahalaan para sa pagbayad ng blood money para sa mga OFW o overseas workers na nasa death row sa Saudi Arabia?
QUESTION AS DISPLAYED ON THE ON-SCREEN GRAPHICS:
Naniniwala ba kayo sa paggamit ng pondo ng pamahalaan para sa pagbayad ng blood money para sa mga OFW na nasa death row sa Saudi Arabia?
CHRISTIAN SEÑERES:
Depende iyan sa kaso po. Mayroon tayong nakita noong mga nakaraang kaso na ang blood money po ay mga businessmen at private individuals at groups po ang nag-raise. Minsan naman po government ang pinanggalingan ng pondo. Depende po iyan. Kung walang nagbibigay from the private sector eh di sa pondo po. Malaki naman po ang pondo na inilalaan para sa proteksyon ng overseas Filipino workers so tingnan na lang po natin kung mayroong available. Depende na lang po iyon.
FOLLOW UP FROM HOWIE SEVERINO:
Second question. Napansin ko sa inyong bio-data na matagal kayong nag-aral sa Amerika kung saan ang mga senador ay kumakatawan sa mga states o estado. Pero iba ang sistema natin dito. Mas mainam kaya kung may geographical representation din sa ating Senado?
QUESTION AS DISPLAYED ON THE ON-SCREEN GRAPHICS:
Mas mainam kaya kung may geographical representation din sa ating Senado?
CHRISTIAN SEÑERES:
Opo. Isa po iyan sa ipinaglalaban ng aming partido na ibalik ang sistema natin na paghalal sa mga senador by region. Kagaya sa Amerika, two senators per region upang sa gayo’y walang bahagi sa ating bansa ang maiiwan. Kagaya ngayon, iisa lang yata ang senador mula Mindanao at walang senador na Muslim. Sa tingin ko po, malaking solution iyan sa unrepresented po sa Senado sa kasalukuyan.
CANDIDATE: EDDIE VILLANUEVA
PANELIST: JESSICA SOHO
QUESTION FROM JESSICA SOHO TO EDDIE VILLANUEVA:
Bro. Eddie, napakalinaw po ang nakasaad sa ating Konstitusyon na may separation of church and state. Ang simbahan hindi dapat nakikialam sa gobyerno at vice versa. Pero heto po kayo na tumakbo na dati for president, ngayon running for senator. Hindi po ba ito pagbalewala o violation of that principle na napakaklaro po sa ating Saligang Batas?
QUESTION AS DISPLAYED ON THE ON-SCREEN GRAPHICS:
Hindi ba violation ng separation of church and state ang inyong pagtakbo sa Senado?
EDDIE VILLANUEVA:
Maraming salamat, Jessica. Panahon na para magising ang sambayanang Pilipino kung ano ang context ng separation of church and state. Sa constitution maliwanag na ang separation of state refers to: 1. walang state religion ang dapat itayo; 2. religion is not a ground or a condition for public office because no religious test is required in the exercise of political and civil rights; at 3. protection ng religious freedom. Ito ang tunay na konteksto ng separation of church and state. Noong panahon, may Presidente Ramos tayo na protestante, may Senator Flavier na protestante, at Senator Santanina Rasul na Muslim, at Senator Tamano. Ang mga magagaling na Pilipino, hindi pinag-usapan ang relihiyon. Kung pinapayagan natin ang mga artista, kung pinapayagan natin ang mga abugado, iang mga nhiyero, at iba’t ibang propesyon, anong sama kay Bro. Eddie na isang political economist, isang educator, at isang ebanghelistang magbibigay ng moral leadership sa ating pamahalaan.
FOLLOW UP FROM JESSICA SOHO:
Follow up question po, Bro. Eddie. Pero makailang beses na nga ho kayong sumubok pero hindi naman kayo pinapalad. This time, bakit nandun pa rin ang kagustuhan ninyo na pumasok sa pulitika despite your previous failed efforts?
FOLLOW UP QUESTION AS DISPLAYED ON THE ON-SCREEN GRAPHICS:
Bakit nandun pa rin ang kagustuhan ninyo na pumasok sa pulitika?
EDDIE VILLANUEVA:
Isang overwhelming ebidensiya ‘yan, Jessica, na si Bro. Eddie hindi pulitiko. Pag tayo ay may simulain at pagmamahal sa bansang tunay, hindi tayo puwedeng pigilin ng anumang test at trials. Kung si Dr. Jose Rizal, Bonifacio, Mabini, at Jacinto ay nag-give up, wala tayong kalayaan ngayon. Kaya si Bro. Eddie bilang isang nakulong nang dalawang beses, bilang student activist sa UP College of Law, at naging regent for a long time sa biggest university ng PUP... (gets cut off due to 30 second time limit)
CANDIDATE: CYNTHIA VILLAR
PANELIST: WINNIE MONSOD
QUESTION FROM WINNIE MONSOD TO CYNTHIA VILLAR:
Noong kayo po ay nasa Kongreso, kayo ay naging chairman ng Committee on Education, at noong panahon na iyon, 2005-2006, nagkaroon ng malaking kontrobersya... kasi yung Comission on Higher Education (CHED) gustong isara ang 23 nursing schools sapagkat ang dami-dami nilang walang kalidad, at saka nasasayang lang yung pera ng mga nursing students tapos hindi sila makapasa ng professional regulatory exam or yung tinatawag na NCLEX. Nung ginawa ito ng CHED, mukhang nag-intervene po ang Kongreso— sa iyo, yung Committee on Education— at humihingi kayo ng dialogue. Ang bottom line is that walang nasara na eskwela. And as a result, nag-resign po si Chairman Fr. Rolando de la Rosa, nag-resign ang buong Technical Committee on Nursing Education. Ngayon, ang question ko, it seems nag-side po kayo sa side ng business, sa mga owners ng school. At tsaka hindi niyo pinakinggan 'yung mga kailangan magawa para sa mga nursing students na nawalan na ng pera, hindi naman sila pwedeng pumasa. Now how, Cong. Villar, can you reconcile itong parang seeming disconnect between 'yung desire ninyo to help the poor at saka 'yung pagpanig niyo sa mga owners ng mga educational institutions na gustong isara ng Technical Nursing Committee (sic) at saka 'yung CHED?
QUESTION AS DISPLAYED ON THE ON-SCREEN GRAPHICS:
Can you reconcile itong seeming disconnect between your desire to help the poor at pagpanig niyo sa mga may-ari ng education institution na gustong isara ng technical nursing committee at ng CHED?
CYNTHIA VILLAR:
Maraming salamat, Mareng Winnie. I want to explain that situation to you. Hindi naman ganoon ang istorya noon. Ang nangyari noon, binigyan nila ng permit yung mga schools to open, ng CHED. Tapos gusto nila ipasara, nakapag-invest na yung mga may-ari ng schools sa mga kanilang facilities. And then, sinasabi nila na kaya daw nila gustong ipasara dahil walang tertiary hospital, kasi sa mga nursing school ito na where they can train. Ang sinasabi namin noon, hindi naman po kami kumokontra sa CHED. Ang sinasabi namin, kasi tinignan namin 'yung syllabus, yung mga courses na kunin nila, and then nakita namin na after lang sa third year kailangan nila yung tertiary hospital so ni-request namin na hindi nalang ipasara yung pre-nursing, 'yung first two years.
FOLLOW UP FROM WINNIE MONSOD:
Follow-up question nalang po ano, ha? Ay kung ganoon pala ang istorya, bakit bumaba pa ang mga nurses na-employ sa abroad, kasi hindi sila qualified? In other words, if it's only a matter of investment, bakit po hindi sila ma-employ employ? At bakit po nag-resign ang technichal nursing education committee, at tsaka nag-resign after only 7 months in office? Do you think they just did not understand?
FOLLOW UP QUESTION AS DISPLAYED ON THE ON-SCREEN GRAPHICS:
Bakit bumaba pa ang nurses na na-employ sa abroad kasi hindi sila qualified? Bakit nag-resign ang Technical Education Committee after 7 months in office?
CYNTHIA VILLAR:
No, yung pag-reresign po ni (Fr. Rolando V. De la Rosa) is a personal quarrel with the owner of a school. Medyo personal po yun. Pero yung amin po, ay sinasabi po namin sa kanila na, actually, hindi naman kailangan ang nurse ay matapos ng BSN. Kasi itong ating mga nurses, gusto lang nila maging "Room Nurse". Sa America or sa other countries, ano lang sila, 'yung parang mang-aalaga. Hindi naman sila kailangan ganoon kagaling, kasi sa ibang country... (gets cut off due to 30 second time limit)
End of Transcript.
-Ria Landingin, Bernice Sibucao/PF, GMA News