Paboritong pork dishes, ihahain sa 'Pinas Sarap'
_2017_10_03_13_37_37_0.jpg)
Bahagi na ng mayamang hapag nating mga Pilipino ang baboy. Sa katunayan, bawat probinsiya may ipinagmamalaking putahe ng baboy. Ngayong Huwebes, samahan si Kara David tikman ang mga nagsasarapang pork dishes na paborito nating mga Pinoy.

Dahil sa malutong nitong balat at malinamnam na laman, hindi na nakapagtatakang ito ang bida sa lahat ng handaan – ang lechon! Mula sa Luzon hanggang sa Visayas, iba’t ibang luto ng lechon ang ating lalantakan, gaya ng lechon ng balayan batangas, lechong hurno ng Pampanga, classic lechon ng La Loma na pinasarap ng sarsa, crispy lechon ng Cebu at ang two-in-one lechon ng Samar.

Dadayo rin tayo sa Ilocandia para tikman ang ipinagmamalaki nilang crispy delicacy - ang Bagnet! Sa Bulacan, crunchy creation naman nila ang ating titikman - ang chicharon! At para sa ating pork dish overload, pagpipiyestahan din natin ang putaheng masarap na ulam, the best ding pulutan - ang Sisig ng mga Kapampangan!

Matakam at mabusog sa pinakamasarap na programa sa telebisyon, ang Pinas Sarap ngayong Huwebes 10:15PM sa GMA News TV Channel 11!
English version:
Meat is part of the rich culture of the Filipinos when it comes to food. Every province has its own version of meat dishes. This Thursday, join Kara David as she tries out the popular and yummy pork dishes.
Its crisp skin and tasty meat, Lechon is the most popular food that is being served in every occasion. From Luzon to Visayas, various versions of Lechon will be shown. Like the Lechon of Balayan, Batangas, lechon hurno of Pampanga, classic lechon with yummy sauce of La Loma, the crispy lechon of Cebu and the two-in-one lechon of Samar.
We also travelled to Ilocos region to try out their crispy meat delicacy-the bagnet! In Bulacan, their crunchy creation called chicharon is a must-try. And part of our #porkdishesoverload is a recipe that can also be eaten while drinking, like the Sisig of the Kapampangans!
It is definitely a pork dish overload Thursday on the yummiest food program on TV, Pinas Sarap, 10:15pm on MGA News TV!