ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV
La Paz Batchoy, Pop na Pop ngayong tag-ulan!
POP TALK: LA PAZ BATCHOY Airing June 5, 2012 Para sa mga handang gumala at suungin ang ulan sa ngalan ng mainit na sabaw, naghanap si Tonipet Gaba ng tatlong restaurant na naghahain ng hot na hot, katakam-takam higupin, at masarap namnamin na La Paz Batchoy! Kasama ni Tonipet sa kanyang paghahanap at pagrerebyu ng La Paz Batchoy ang chef na genuine Ilongga na siJackie Laudico. Nariyan din si Annabella Redison na isang working mommy na laking Bacolod, at ang Kapuso star na cast ng dramaseryeng "Hiram na Puso" na si Marc Acueza. Tatlong siyudad ang kanilang inikot para sa sinabawang pansit na nagmula sa La Paz, Iloilo para mahusgahan kung ang mga ito ay pop o flop. Dinayo nila ang San Dionisio, Parañaque City para sa Liezl Special La Paz Batchoy and Kansi House para tikman ang batchoy na may caldo o sabaw ng bakang pinakuluan ng apat na oras! Sa Pasong Tamo Extension, Makati City natagpuan nila ang Deco's Original La Paz Batchoy na patuloy na ginagamit ang kanilang batchoy recipe na mula pa noong 1938! Sa SM Mall of Asia sa Pasay City ang huling soup stop para masampolan ang mga batchoy ng Ted's Old Timer La Paz Batchoy na may iba't ibang bersyon gamit ang miki, bihon, miswa at sotanghon noodles! Magpakabusog at maki-tsika kasama si Tonipet Gaba ngayong Martes sa Pop Talk, 10 PM sa GMA NewsTV.
Tags: plug
More Videos
Most Popular