ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV

Mobile projectors, tampok sa 'Pop Talk!'


POP TALK MOBILE PROJECTORS Airing Date: 28 August 2012 Bilang na ang araw ng pagbibida ng mga pictures at video sa napakaliit na screen ng cell phone!  ’Paandaran’ ang pamilya at barkada gamit ang mobile o portable projectors, mula sa iyong cell phone!   I-beam lang ang mga imahe sa isang flat surface o kahit sa ano pa at presto---ma-e-enjoy na ito sa mas malaking sukat!    Ang mga video mo, instant personal sine ang dating!    Perfect din para sa mga taong nagbibigay ng ‘presentation’ sa kanilang mga trabaho.  Bukod sa built-in projector sa cell phone, meron din namang projector na puwedeng i-connect bilang accessory sa kanilang Iphone, Ipod o Ipad.     Kasama ni Tonipet Gaba sa pagrerebyu ng tatlong mobile projectors ang gadget expert at techie blogger ng na si Jayvee Fernandez, ang marketing officer at certified techie na si KM Regalario, at ang celebrity reviewer na CEO ng isang post-production house na si Troy Montero.     Ang tampok na mobile projectors ay ang Samsung Galaxy Beam, Intex Projector Phone, at Mili Pico Projector.  Huhusgahan ng ating Pop Talk reviewers ang tatlong mobile projectors na ito base sa criteria na design and features, projector performance at price.  Alin kaya sa mga ito ang pop o flop?   Walang patumanggang pag-pro-project ang gagawin sa Pop Talk ngayong Martes, 10PM sa GMA NewsTV!