ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV

Mga cool gadgets, tampok sa 'Pop Talk' ngayong Martes!


POP TALK COOL GADGETS Airing Date:  11 September 2012   Sa Pop Talk, lagi kaming naghahanap ng mga bagong gadget na nagbibigay-saya at nagpapadali sa ating mga gawain.  Nauuso na rin ang maraming functions sa mga gadget ngayon.  Pero gaano ba ito ka-fun, ka-cool, at ka-astig na pamporma?  Heto na ang mga cool na cool na gadget na multi-functional pa!   Tampok ang  3-in-1 gadget na laptop computer, cellphone, at tablet computer na Asus PadFone.  Kasama rin ang 2-in-1 naman na relo at phone na Sony SmartWatch, at ang 2-in-1 bag at charger na Powerbag Charger Backpack.       Kasama ni Tonipet Gaba sa pagrerebyu ng tatlong cool gadgets ang techie blogger at masugid na gadget reviewer na si XT Anonuevo, ang BS Mechatronics Engineering student na si Paul Christian Ibanez, at ang celebrity reviewer na Kapuso tween star na si Joyce Ching.     Huhusgahan ng ating Pop Talk reviewers ang tatlong cool gadgets na ito base sa criteria na ‘design and features’, ‘fun factor’ at ‘value for money.’  Alin kaya sa mga ito ang pop o flop?  Pop Talk: Cool Gadgets ngayong Martes, September 11, 10PM sa GMA NewsTV!
Tags: plug