ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV

Cebu getaways na pasok sa budget, tampok sa 'Pop Talk'


POP TALK CEBU BEACH RESORTS Airing Date: December 11, 2012   Bukod sa summer, ang Christmas season ay panahon din para sa bakasyon ng buong pamilya o barkada at numero-unong destinasyon siyempre ay ang beach!    Isa sa pinakasikat sa bansa ang probinsya ng Cebu pagdating sa naggagandahang mga beach resort.  Kaya naman naghanap ang Pop Talk ng mga patok na beach resort…na hindi nakakabutas sa bulsa ng mga bakasyunista. Kasama sa mga rerebyuhin ang Portofino Beach Resort sa Mactan Island na sumisingil ng 90 pesos lang na entrance fee para sa buong araw na pagtatampisaw sa mahaba nitong baybayin.   Nasa isla rin ng Mactan ang Karancho Beach Resort na 70 pesos naman ang entrance fee.  Pupuntahan din ang Hadsan Cove Beach Resort sa lapu-Lapu Citysa halagang 50 pesos lang pwede mo nang ma-enjoy ang puting buhangin at malinaw na tubig ng resort.  Sangkaterba rin ang mga water activities na pwedeng gawin sa mga resort!    Kasama ni Tonipet Gaba sa pagrerebyu ang Cebu-based travel blogger na si Edcel Ceniza, ang tubong-Cagayan de Oro pero sa Cebu nagtratrabaho sa ngayon na si Arla Arciaga, at ang Cebuana beauty at model na si Monica Anderson.  Huhusgahan nila ang tatlong beach resorts base sa criteria na sun-sand-surf factor, facilities, at value for money.  Alin kaya sa mga ito ang pop o flop? Alamin ngayong Martes sa Pop Talk: Cebu Beach Resorts, December 11, 10PM sa GMA NewsTV.
Tags: plug