ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV
Ngayong gabi sa 'Pop Talk:' isang Chinese New Year food trip

POP TALK
CHINESE NEW YEAR BUFFET
O5 February 2013, Tuesday
Musmos pa lang ang mga lolo't lola natin ay usong-uso na ang tsibugang buffet o'eat-all-you-can' na kilala rin sa tawag na 'smorgasbord.' Ang 'smörgåsbord' ay isang Swedish buffet na unang sumikat sa buong mundo nang ihain ito sa 1939 New York World's Fair. Karaniwan itong celebratory meal kung saan nakahain sa mesa ang sandamakmak na mga pagkain at puwedeng kumuha at kumain nang pabalik-balik... 'one to sawa!'
Naghanap ang Pop Talk ng buffet restos na swak sa ating budget at panlasa para sa masaganang pagsalubong sa Chinese New Year. Rerebyuhin ang Yakimix sa Robinson's Place Manila, ang Chinatown's Best Food sa Banawe St. sa Quezon City, at ang City Buffet Restaurant sa SM Fairview. Kasama ni Tonipet Gaba ang chef na si Bruce Lim, ang celebrity reviewer na Kapuso dramatic actor na si TJ Trinidad, at ang nanay na si Julie Christine Ong. Huhusgahan nila ang tatlong kainan base sa criteria na food, place, at value for money. Alin kaya sa mga ito ang pop o flop? Alamin ngayong Martes sa 'Pop Talk: Chinese New Year Buffet,' February 05, 10 ng gabi sa GMA NewsTV!
Tags: plug
More Videos
Most Popular