ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV

Budget-friendly resorts sa Cebu, kikilatisin ng 'Pop Talk'




POP TALK
CEBU BEACH RESORTS
Airing Date: April 02, 2013

 
Panahon na para sa bakasyon ng buong pamilya o barkada ngayong summer at siyempre ang numero unong destinasyon ay ang beach! Isa sa pinakasikat sa bansa ang probinsya ng Cebu pagdating sa naggagandahang mga beach resort. Kaya naman naghanap dito ang Pop Talk ng mga patok na beach resort na hindi nakakabutas sa bulsa ng mga bakasyunista!



Rerebyuhin ang Portofino Beach Resort sa Mactan Island na sumisingil ng 90 pesos lang na entrance fee para sa buong araw na pagtatampisaw sa mahaba nitong baybayin. Nasa isla rin ng Mactan ang Karancho Beach Resort na 70 pesos naman ang entrance fee. Pupuntahan din ang Hadsan Cove Beach Resort sa Lapu-Lapu City, kung saan sa halagang 50 pesos lang ay pwede mo nang ma-enjoy ang puting buhangin at malinaw na tubig ng resort.  Sangkaterba rin ang mga water activities na pwedeng gawin sa mga resort!



Kasama ni Tonipet Gaba sa pagrerebyu ang Cebu-based travel blogger na si Edcel Ceniza, ang tubong-Cagayan de Oro pero sa Cebu nagtratrabaho sa ngayon na si Arla Arciaga, at ang Cebuana beauty at model na si Monica Anderson.  Huhusgahan nila ang tatlong beach resorts base sa criteria na sun-sand-surf factor, facilities, at value for money.  Sama ka na sa lakwatsa  sa Pop Talk: Cebu Beach Resorts, ngayong Martes 10PM sa GMA NewsTV!