ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV
Kapitolyo food, titikman ng 'Pop Talk'

POP TALK
Barangay Kapitolyo Restos
Airing Date: 04 June, 2013
Bukambibig ng mga mahilig kumain ang Barangay Kapitolyo sa Pasig City. Napaliligiran kasi ang residential area na ito ng sandamakmak na mga tsibugan— mula sa United St., East Capitol Drive, at West Capitol Drive, halos malilito ka na sa restos na pagpipilian. Pero alin kaya sa mga ito ang pop na kainan? ‘Yan ang ating aalamin at rerebyuhin!

Isa sa mga rerebyuhin ang Three Sisters Restaurant na 72 years nang naghahain ng masasarap na pagkain. Idagdag pa ang Bullchef, na iba’t ibang bulalo ang pambato, at ang Silantro na Filipino-Mexican dishes naman ang inihahanda.

Makakasama ni Tonipet Gaba sa pagrerebyu ang food blogger ng The Purple Doll na si Sumi Go, ang Broadcasting student at theater actor na si Jose Vincent Bautista, at ang celebrity reviewer na Kapuso actress na si Max Collins. Huhusgahan nila ang tatlong restos base sa criteria na food, place, at price.

Ihahain lahat ng ’yan ngayong Martes sa ‘Pop Talk: Barangay Kapitolyo Restos,’ June 4, 10 PM sa GMA NewsTV!
Tags: plug
More Videos
Most Popular