ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV

Fun indoor water activities, susubukan ng "Pop Talk"




POP TALK
“INDOOR WATER FUN ACTIVITIES”
AUG 20, 2013/Martes/10PM

 
Hindi tayo paaawat sa buhos ng ulan para maglublob sa tubig at  makapaglibang! Naghanap ang Pop Talk ng tatlong indoor water activities na hindi lang masayang libangan, magandang fitness exercises pa!





Makisaya sa tulakan ng pato sa Underwater Hockey, makipagtagisan ng lakas sa Aquathlon o Underwater Wrestling, at magpaseksi in style sa Mermaid Swimming class.  Makakasama ni Kuya Tonipet Gaba sa pagrerebyu ang ating guest reviewers: ang ating expert na pioneer surfer at batikang surf instructor na si Paolo Soler, ang lady guard na si Princess Tolero, at ang celebrity reviewer na Kapuso actress at nag-reinvent ng sarili bilang hip hop diva na na si Roxee B. Huhusgahan nila ang tatlong indoor water fun activities base sa criteria na ‘doability,’  ‘fun factor’ at ‘fitness factor.’


 
Maging fit at healthy habang naglilibang sa ‘Pop Talk: Indoor Water Fun Activities,’ ngayong Martes 10 PM sa GMA NewsTV!
Tags: plug