ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV

Videoke places, bibisitahin ng 'Pop Talk' ngayong October 29




POP TALK
“X’MAS COUNTDOWN #5: VIDEOKE PLACES”
OCT 29, 2013/Martes/10pm

 
Fifth Tuesday na ng ‘Pop Talk Christmas Countdown’ kung saan sa loob ng twelve Tuesdays ay magrereview ang ‘Pop Talk’ ng mga pagkain, pasyalan, pang-regalo, party venues, shoppingan, at iba pang mga bagay na ‘pop na pop’ sa pagdiriwang ng pinakamahabang Christmas season sa buong mundo!


 
Sabi dati ng sikat na TV host na si Ellen Degeneres: “Some of the best singers are from the Philippines!” Sa totoo lang, wala yatang Pinoy na hindi marunong o mahilig kumanta!  Naghanap ang Pop Talk ng tatlong videoke places na check na check bilang venue ng mga small get-together ng barkada, batchmates, at balikbayan relatives and friends ngayong Pasko!



Ang videoke places na kikilatisin ng ating reviewers: ang PARTY PARTY KTV sa Pasig City; ang STUDIO 5 KTV sa Quezon City; at ang MEGAPRO FAMILY  KTV ROOM & RESTAURANT sa Makati City.  Makakasama ni Kuya Tonipet Gaba sa pagrerebyu ang ating guest reviewers: ang ating expert na freelance events coordinator at singer na si KRYSTEL YUVIENCIO LUBAG; ang estudyante ng Centro Escolar University na si NICA ESTORIAS; at ang celebrity reviewer na tinaguriang ‘next hot Pinoy rapper’ at Youtube sensation na si SHEHYEE.


 
Tuloy-tuloy pa rin ang pamimigay ng gadgets sa ’Pop Talk Selfie’ promo!  Manood at bumisita sa aming Facebook page para alamin kung paano manalo!
 
Maagang salubungin ang Pasko sa ‘Pop Talk: Videoke Places,’ October 29, 10PM sa GMA NewsTV!
Tags: plug