ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV
3 surplus stores, kikilatisin ng 'Pop Talk' ngayong January 21

POP TALK
“SURPLUS STORES”
January 21, 2014/Martes/10PM
Ngayong kasisimula pa lang ng taon, marami sa atin ang naghahanap ng iba’t ibang paraan para makapagtipid at makabawi sa mga gastos noong nakaraang Holiday season. Naghanap ang Pop Talk ng tatlong surplus stores na mayroong samu’t saring paninda para sa ating wise shoppers. Alin kaya sa mga ito ang pop o flop?


Isasalang sa pagrerebyu ang: Japanese surplus store na HALINA KABAYAN KO, INC., ang American surplus store na MSM AMERICAN DEPOT, at ang isa pang Japanese surplus store na HAPON SURPLUS TRADING.

Makakasama ni Tonipet Gaba sa pagrerebyu ang ating guest reviewers: ang ating expert na aminadong ‘surplus hunter’, isa ring extrepreneur na si RON VILLAGONZALO, ang new wife na mahilig sa bargain at quality finds na si JHOANA TACORDA, at ang celebrity reviewer nating huling napanood sa ‘Akin Pa Rin ang Bukas’ na si RODJUN CRUZ. Huhusgahan nila ang tatlong surplus stores sa criteria na ’variety’, ‘comfort and security’ at ‘value for money.’
Taralet’s shop na sa ‘Pop Talk: Surplus Stores,’ January 21, 10PM sa GMA News TV!
Tags: plug
More Videos
Most Popular