ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV

Mga paboritong restaurant ni Aiza Seguerra, bibisitahin ng 'Pop Talk'




“POP KAY AIZA”
Airing Date: MARCH 7, 2015


Ngayong Sabado, bibisitahin ng ‘Pop Talk’ at rerebyuhin ang tatlo sa paboritong tsibugan ng inyong idol na walang iba kundi si Aiza Seguerra! Alin kaya sa mga ito ang pop o flop?
 


Taralet’s eat sa: hole-in-the-wall na ‘BBQ ni Manang Simang’ sa Makati, sa legendary ‘Beach House’ sa UP Diliman, at sa ‘Angus Tapa Centrale’ sa Quezon City.



Makakasama ni Tonipet Gaba sa pagrerebyu ang ating guest reviewers: ang chef ng Antojo’s Restaurant na si Chef Anton Amoncio, ang blogger na si Diane San Pedro; at ang celebrity reviewer na beauty queen, award-winning actress, at better half din ni Aiza na si Liza Dino. Huhusgahan nila ang tatlong restos base sa criteria na  ‘food’, ‘place’ at ‘price.’


 
‘Pop Talk: Pop kay Aiza’ ngayong Sabado, March 7, 8PM sa GMA NewsTV!
Tags: plug