ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV

Rooftop restaurants sa Metro Manila, tampok ngayong Sabado sa 'Pop Talk'


 

POP TALK
“ROOFTOP RESTOS”

Perfect combination nga ba ang glorious food at spectacular views? Pumili ang ‘Pop Talk’ ng tatlong ROOFTOP RESTOS na bubusog sa ating panlasa at mga mata!  Alin kaya sa mga ito ang pop o flop?  ‘Yan ang ating aalamin at rerebyuhin!

Isasalang sa rebyu ang: SKY DECK sa 10th floor ng The Bayleaf sa Manila; ang VUE BAR sa 22nd floor ng Bellevue Manila sa Alabang”; at ang 100 REVOLVING RESTAURANT sa 33rd floor ng MDC100 Building sa Eastwood”.  Makakasama ng host na si Tonipet Gaba bilang guest reviewers: ang awardwinning chef na si Chef Dino Ferrari; ang news reporter at radio host na si Lala Roque at ang celebrity reviewer na actor at blogger na si Chuckie Dreyfus.

“Pop Talk: Rooftop Restos” ngayong Sabado, sa November 14, 8:00 pm, sa GMA News TV.

Tags: poptalk, pr