Tatlong restaurants sa Legazpi, Makati ang sasalang sa review ng 'Pop Talk'
POP TALK“LEGAZPI VILLAGE FOOD CRAWL”
Airing: May 14, 2016
Ang Legazpi Village ang mas homey, mas cozy, at mas relaxed na bahagi ng Makati’s Central Business District. At sa dami ng offices, buildings and condos sa paligid, sa bawat kalye at sulok man, laging may madidiscover na mga kainan. Pumili ang ‘POP TALK’ ng tatlong restos na ating pupuntahan para sa ating ‘LEGASPI VILLAGE FOOD CRAWL.’ Alin kaya sa mga ito ang pop o flop?
Isasalang sa rebyu ang: YOUR LOCAL sa Esteban Street; ang BUGONG sa Dela Rosa Street, at ang STOCKTON PLACE sa Salcedo Street. Makakasama ng host na si Tonipet Gaba bilang guest reviewers: ang Executive chef ng ‘Antojos Manila’ na si Chef Anton Amoncio; ang celebrity reviewer na Kapuso comedian at napapanood sa ‘Dear Uge’ na si Divine Grace Aucina; at ang ‘hatak-reviewers’ na sina Hannah Maldo at Dr. King Kok Ong.
“Pop Talk: Legazpi Village Food Crawl” ngayong Sabado, sa May 14, 8:00 pm, sa GMA News TV.