Food havens sa Poblacion, hahatulan sa 'Pop Talk'
Kung ang QC, may Maginhawa… ang Pasig, may Kapitolyo… ang Paranaque, may Aguirre… ang Makati naman, may Poblacion! Ito ang old downtown area ng Makati City na patuloy na dumarami ang restos, hole-in-the-wall types, at iba pang exciting foodie havens. 
Pumili ang ‘POP TALK’ ng tatlong restos na ating pupuntahan para sa ating ‘POBLACION FOOD CRAWL!’ Alin kaya sa mga ito ang pop o flop?
Isasalang sa rebyu ang: CRYING TIGER STREET KITCHEN sa Guanzon Street, ang EMPINGAO sa P. Burgos corner San Lucas Streets, at ang THE SMOKEYARD sa Don Pedro Street. 
Makakasama ng host na si Tonipet Gaba bilang expert reviewer si MJ Nicasio, Culinary instructor ng Apicius Culinary Arts, ang celebrity reviewer na Starstruck Batch Season 6 na si Avery Paraiso, at ang hatak-reviewer na si Jam Resus.
“Pop Talk: Poblacion Food Crawl” ngayong Sabado, Sept 24, 8:00 pm, sa GMA News TV.