Mga cool gadget, susubukan sa 'Pop Talk'
POP TALK: COOL GADGETS
JULY 08, 2017
#PTCoolGadgets
Isang point-and-shoot camera. Isang smartphone. At isang portable drone camera. Tatlong cool gadgets na naman ang rerebyuhin natin ngayon. Gaano ba ito ka-fun at ka-functional? At worth it bang pag-ipunan? Alamin natin kung alin sa mga ito ang pop at flop!

Isasalang sa review ang: ang portable, compact at lightweight na DJI SPARK drone camera, ang point-and-shoot na PAPERSHOOT CAMERA, at ang VIVO V5S smartphone. Makakasama ni Tonipet Gaba sa pagrereview ang mga panauhing reviewer: Tech Blogger sa JamOnline.ph na si Jam Ancheta, ang Kapuso actress na napapanood sa Ika-6 na Utos na si Arianne Bautista, at ang Tech Blogger sa GadgetMatch.com at editor sa WhenInManila.com na si Isa Rodriguez.
“Pop Talk: Cool Gadgets” ngayong Sabado, July 8, 8:00 PM sa GMA News TV.